39 Các câu trả lời
Wala akong set budget per meal. Madalas pag nagrocery kami ng weekend, good for how many days na lutuan na ang binibili namin. Or if tamad naman magluto, take out na lang. Depende din sa magustuhang ulam for that particular meal.
If bumibili kami ng ready to eat ulam, around 100-150 pesos good for 2 na un. Pero if magluluto sa bahay, depende sa ingredients na uulamin. Minsan isahan na lang bili ng ingredients and nagagamit pa naman para sa next na luto.
Ang target namin is maka-luto kami ng ulam sa halagang 100 or below. Na try namin minsan na 30 pesos lang. 4 na pirasong daing na galunggong at isang taling talbos ng kamote. Sawsawan ay bagoong balayan at calamansi. Solb!
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-24542)
1k good for 7 days mommy, Kasama na lahat ng rekados at bigas kasi ako ung nag luluto. Nag seset din ako ng meal plan for 7 days to make sure na healthy ung food namin ni hubby. ❤️
Kakadiskubre ko lang kanina mga sis, sa palengke may nagtitinda ng Sinaing na Tulingan (Paksiw) sa halagang 25 pesos lang per piraso! Solve na sa 3 katao per piraso hahaha,
Usually, pag bumibili lang kami ng dati luto na dito lang sa malapit sa bahay, 70 pesos lang. Pero madalas din, like Andoks or Baliwag, around 120-150 yan.
Kaya namin 65. 1 kilong bigas tapos isang balot na daing na galunggong at ilang kamatis. Sobra pa yung kase hindi naman lahat ng bigas ay isasaing e.
More or less 100 pesos on regular days. Good for 2-4 persons na pero madalas iba ang ulam ng mga anak ko depende kung manghingi sila ng ibang luto.
Kung kaya na hanggang 100 lang kasama na ang bigas. At kung maari, hindi de lata. Kaya naman e tulad ng pritong galunggong at ginisang gulay.
Joey Smith