Guilty

Magbf gf palang kami alam ko na rason bat siya iniwan ng long time gf niya ay dahil wala raw future sakanya. Hindi naman issue sakin yun dahil bago palang kami at wala naman sa pag aasawa ang isip ko. Hanggang sa nabuntis niya ako napapaisip na rin ako na tama nga yung ex niya. Yung estado kasi ng pamilya niya ay parang pag walang nagtrabaho sakanila wala silang makakain wala rin negosyo na pwede pagkakitaan. Nasa punto rin sila ng pati pangbayad ng tubig iuutang pa nila. Ang pamilya naman namin hindi kami mayaman pero hindi kami nakaranas na magutom at may konting luho sa buhay. Dumating ang pandemic walang nagpapagawa ng bahay kaya wala siyang trabaho. Nagkaroon rin kami ng pagkakataon na makilala pa ang isat isa dahil nagsama kami samin mula ng march hanggang june. Sa pakikisama sa pamilya ko walang problema sakanya inuutusan siya sa bahay gagawin niya ng walang pagdabog madalas rin siya pa nagkukusa. June umalis na siya samin dahil kinuha na syang pahinante ng bayaw niya pero hanggang ngayong july hindi pa rin siya binibigyan ng sahod kaya ang ending si mama gumagastos ng mga vitamins,check up, ultra ko at gamit ng bata. Kaya sa sobrang hiya ko kay mama sa dami niyang gastos sakin siya napagbubuntungan ko ng galit. Sinasabihan ko siya ng walang kwenta, na hindi man lang siya tulungan ng pamilya niya sa gastos. Lahat ng masasakit na salita natanggap niya na sakin. Pero pag nalalaman ko kung ano pinagdadaanan nya sa trucking kung saan wala silang ligo, puro late ang pagkain minsan isang beses pa sa isang araw kumain kakahintay makargahan yung truck. Na pag sumasama pakiramdam niya na ultimo gamot na biogesic hindi siya makabili dahil walang wala siyang pera naguguilty ako. Na kahit sa tsinelas niya ipapako niya nalang para magamit niya pa ulit. Na tinitiis niya lahat ng hirap para samin ng anak niya. Para makaipon siya ng pangpanganak ko. Sobrang swerte ko pala sa lalaking to kahit hindi siya mayaman kaya niya magsumikap at magtiis para samin ng anak niya. Hindi pa rin ako susuko na isang araw lahat ng nagmamaliit sayo magsisisi kasama na ako dun.

Guilty
35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ikaw momsh ang dapat maging tagatulak para magsumikap at umasenso asawa mo, w/o using harsh words. Bilog ang mundo lahat nagbabago. Obserbahan mo din kung masipag naman siya at walang kalokohan tyagain mo na ipush magsumikap. Ang papa ko dati tambay sa kanto at manginginom. Mama ko ang nagwo-work pero dahil positibo si mama at pinush niya si papa, umasenso ang papa ko. Napag-aral niya kami at binuhay ng maayos. Pareho po kayong magsumikap para umasenso.

Đọc thêm

Swerte niyo po mamsh 😊 ganyan din po ako iniisip ng mga tao sa hubby ko na wala siyang mararating sa buhay, minamaliit siya at tinatanong pa nga sakin kung bakit ko siya pinatulan pero I know na balang araw magiging proud sa kanya ang lahat 😊 wala nga din po siyang nabibigay pang vitamins at check up ko, lahat yun ako humahanap ng paraan pero okay lang po yun sakin alam ko naman na balang araw makakabawi siya samin ni baby 😊💖

Đọc thêm

Ganyan din asawa ko nung may work sya. Halos lakadin nya din papunta at pauwi sa trabaho makatipid lang sya. Mommy, wag mong susukuan 😊 supporta mo at ng pamilya mo ung kailangan nya. Kasi wala na nga syang maaasahan sa side nya e, aawayin mo pa 😅 try to be more understanding. Kapag mainit ulo mo, huminga ka lang ng malalim para di mo sya mapagbuntunan. Very fullfilling yung mga ganyan kapag nagtagumpay. Promise! 😊

Đọc thêm

Naiyak ako sa kwento mo. Kasi ganyan din lip ko. Kahit minsan hirap na hirap na sya, gumagawa pa din sya ng paraan para maitaguyod kami. Maswerte ka ng ganyan sya kesa meron nga syang kayang iprovide pero iresponsable naman, madami na din ako nabasa dito na mga kwento na walang kwenta yung partner nila. Ang swerte mo po sa kanya. Unawain mo nalang muna ung hirap ng sitwayon ngayon lahat naman tayo nahihirapan ngayong krisis

Đọc thêm

Ako din sa dami ng anak namin.. Madalas din ako maaburido. Khit gusto ko magwork para makatulong wala nman magalaga sa mga anak ko. Madalas din nmin pag awayan ang pera dahil sa liit ng sinasahod nya at madami kami kumakain. 5 anak namin puro pa lalaki.. Pero pagkatapos namin magaway minsan napapaisip din ako na d biro lahat ng trabaho pinapasok nya para may maibigay. Un lang kalaban ko lang talaga is un bisyo nyang alak

Đọc thêm

Swerte mo na din Momsh dahil madaming walang balls para panagutan anak o nabuntis nila. As long as hndi kayo sinasaktan at binabastos ng partner mo. Sa situation nyo, need mo siya intindihin kahit alam kung mahirap. Sabi nga nila, sa kabila nang mga lalaking masisipag may babaeng sumusuporta sa kanila. Bilog ang mundo. Kaya pray lang Momsh. Encourage mo lang siya everyday at wag kang mapagod sa sitwasyon nyo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ganyan din asawa ko kahit second high school lang natapos nya sobrang sipag nya. Pag walang Pasok dumidiskarte parin sya sa kasi ayaw nya may nasasabi mama ko sa kanya . Pag luho ko okay lang para sa sarili nya gamit okay lang kahit ukay ukay pati baon nya 70 pinag kakasya minsan May tira pa nakaka proud lang kahit hindi sya tapos alam mo kaya nya gawin lahat para samen ng anak ko 😇

Đọc thêm

pra po skin, kaya po xa iniwan ng long time gf nya kc bka po inaasa sknya ung futire nila, pero bka po kau ung ngaun nya pra prehas nyo po hubugin future nyo, imean kaya nyo po xa tulungan, ipush nyo po for better future po support po need nya lalo na masipag nmn po xa. mas msarap po sa pkirampdam na ksma nya po kau nung nsa baba xa at pingtulungan nyo po na umangat kau prehas po.

Đọc thêm

Ganyan din po kalive-in partner ko. Dinodown siya kasi wala sila at kami itong meron. Pero isa lang masasabi ko ngayong buntis ako masasabi ko na iba siya dahil lahat ng gastos ko ngayon pang-pacheck up , pambili ng gamot, mga food na gusto ko bibinibigay niya kahit siya ang magtipid. Kaya pinagmamalaki ko siya dahil siya ang magiging ama ng anak kong dinadala ko.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ganyn Dn lIP ko pero may na tapos nmn si lIP ko IT sya swerte ko lng kasi Responsable sya tao lalo na samin ng first baby ko, super stress sa work at my mga prob dn sya kht di nya sabhn sakn ayaw nya lng na nag iisip ako , kaya thumbs up sa may mga LIP na masipag .