Need advice.

Yung partner ko walang ng binibigay na pera pang gastos sakin mama ko na gumagastos sa lahat. Nagtatrabaho naman bilang pahinante ngayong pandemic kaso lagi silang may kaltas kaya wala rin nabibigay kahit magkano. Pinakiusapan ko siya ng pumunta manila dahil kailangan ng pirma niya sa birth certificate dahil lockdown daw hindi siya makakapunta at wala rin pera at sabi ayusin na lang last name pagtapos na pandemic na akala mo kasing bilis lang magpalit ng damit. Pero samantalang nung namatay barkada niya sa pamp. willing na willing siya umuwi para makita yun. Kanina sinermonan ako ng ob ko nagtataka bakit lagi raw nanay ko kasama ko sa ginagawa raw nung lalaki wala siyang kwenta. Okay raw sana kung nasa ibang bansa kaso nasa bataan lang. Para akong natauhan. May punto ob ko gusto na tuloy iwan kahit pamilya niya hindi tumutulong sa gastos puro kamusta lang ginagawa sakin. Gets ko na wala silang pera pero sana gumawa naman sila paraan. Ako yung babae pero parang ako yung nakabuntis sa lahat ng pag aako ng mama ko sa gastos.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mamsh yung apelyido pwede naman ibigay kay baby kahit wala ang tatay at pirma nya...mas mabilis mag ayos kapag nakaapelyido na sa tatay, hndi yung tyaka na iapleyido kapag anjan sya..karapatan ng bata yun atska mas mapapabilis kase makahinge sustento kung apleyido na gamit ni baby. And second walang karapatan ang doctor na magsalita ng ganyan its your personal life labas sya dun kung ano ginagawa ng tatay ng anak mo. Kahit may punto sya mali parin mangeelam sa personal problem unless kamag anak mo yan doctor na yan..wala naman masama kung mama mo ang sumama sayo ano naman sa kanya? Hndi sa kinakampihan ko bf mo pero hndi sya professional umasta. Gawin mo nlng mag padala sya ng text or chat na sinasabe nya inaako nya ang bata tapos lapit ka sa barangay sa womens desk para mapilitan sya or pamilya nya magbigay

Đọc thêm