di malapit saken si baby.. :(

hello magandang araw.. pa advice naman po.. may personal prob po kasi ako about samin ng baby ko.. 9months na siya, dito kami nakatira sa byenan ko kasama mga sis in laws ko.. di ko lang po maiwasan ang masaktan minsan kapag nakikita ko na ang baby ko is mas gusto niya yung byenan ko at mga sis in laws ko kesa saken na mommy niya.. parang mas malapit siya sakanila kesa saken :( medyo mahiyain kasi ako.. at ako yung tipo ng pag nasa ibang bahay, di ko naeexpress ng maayos sarili ko. iba padin sa bahay namin. nalalaro at nakakabonding ko ng maayos anak ko ng walang iniisip na kahit sino at komportable ako.. kahit mag ingay man ako at magmukang clown, mapasaya ko lang anak ko.pero dito nahihiya ako gawin yun.. kaya ang ending di ko nakakabonding ng maayos baby ko.. although ginagawa ko naman lahat ng pag aalaga sakanya. sinubukan ko nadin umuwi samen kasama ang asawa't anak ko.. para mas mapalapit pa kami at maalagaan ko.siya ng maayos na walang iniisip. kaso pinauwi din kame dito dahil nagkakasakit ang anak ko dun dahil nahahawa siya minsan sa mga pamangkin ko. bumalik lang ako dito para sa asawa at baby ko. para sa kasiyahan nila. ayun lang, napapalayo loob ng anak ko,.at pati ako nadin. di ko naman sinasadya maramdaman to.. pero parang gusto ko nalang hayaan nalang siya tutal mas masaya naman siya dito at sakanila.. di kasi breastfed anak ko. kaya kahit wala ako sa tabi niya di niya ko hinahanap.. kasalanan ko lahat bakit ganito.. di ko naman alam na ganito mangyayari.. :( sana po ma advice-an niyo po ako para mawala po itong mga nararamdaman ko. or para malaman ko po kung ano dapat kong gawin.. thank you in advance.#firstbaby

6 Các câu trả lời

same tayo mumsh. 4days lang kami sa byenan ko nun, di ko rin maexpress sarili ko kay baby. mas mainam siguro kung bubukod nalang ng bahay kaso ang hirap wala pang budget. ngaun dito ko sa parents ko nakatira at di kami ayos ng asawa ko. first time mom here din po. gusto ng asawa ko dun kami sa kanila, pero mas gusto ko dito samin. ano ba dapat gawin, wala pang pangbukod e.

yup halos same nga tayo momsh.. gusto din ng asawa ko dun kame sakanila pero eto umuwi napo ako samin kasama baby ko ..at pag minsan pumapasyal nalang sakanila.. mas malapit na kame ngayon ni baby sa isat isa..🥰 iba padin dito sa bahay namin kasi dun nahihirapan ako alagaan si baby at sila yung mas nasusunod kay baby kesa saken.. dito komportable ako at nagagawa ko yung gusto ko sa baby ko.. sarap sa pakiramdam yung maging mommy.. 🥰 dadating din araw na makakabukod din tayo momsh.. 🥰

VIP Member

panganay ko anak di rin sya breastfeed at nakki tira lang din kami noon sa tita ko spoild pa sya pero di sya malayo loob sakin kc ginagawa mo katabi ko sya matulog at binibigyan ko ng attention ngaun may kapatid narin sya mag dadalawa na kapatid nya selos na sya 😁

Truth. Spend more time with your baby and try to leave & cleave. Para you have your own rules, comfortable po kayo and you have your personal space lalo na pag may di kayo pag kakaintindihan mag asawa. Di po makikita at mapakikialaman ng mga in laws.

yup.. tama po kayo.. iba padin yung magkasariling bahay para magawa po yung gusto namin ng walang iniintindi at iniisip.. walang makikielam at di na kami mapangunahan lagi. lalo na pag may di kame pagkakaintindihan ng mister ko.. masosolve namin ng kaming dalawa lang.. 😊 thank u po🥰

Spend more time with your baby, Mommy. At the end of the day ikaw pa rin hahanap-hahanapin ni baby. Wala po ba kayong plano bumukod?

meron naman po momsh.. kaso wala pa kasing budget.. pero eto nakauwi nadin ako ulit samen kasama baby ko at masaya ako dito kasi naaalagaan ko siya ng maayos at malapit na kami sa isat isa.. maka mama na siya.. 🥰 tutok lang ako sa baby ko now momsh.. pero pag medyo lumaki na siya, baka magwork na ulit ako at mag iipon pambukod.. anyway thank u sa advice momsh.. 🥰

Mahirap talaga pag sa inlaws nakatira mas maganda sa bahay ng parents mo o kaya bumukod..

yup.. habang wala pang pambukod, dito muna kami ni sa bahay ng parents ko .. mas komportable ako dito sa pag aalaga kay baby.. 😊

VIP Member

Agree ako sa isang comment. Time lang ang need niyo mag ina.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan