di malapit saken si baby.. :(
hello magandang araw.. pa advice naman po.. may personal prob po kasi ako about samin ng baby ko.. 9months na siya, dito kami nakatira sa byenan ko kasama mga sis in laws ko.. di ko lang po maiwasan ang masaktan minsan kapag nakikita ko na ang baby ko is mas gusto niya yung byenan ko at mga sis in laws ko kesa saken na mommy niya.. parang mas malapit siya sakanila kesa saken :( medyo mahiyain kasi ako.. at ako yung tipo ng pag nasa ibang bahay, di ko naeexpress ng maayos sarili ko. iba padin sa bahay namin. nalalaro at nakakabonding ko ng maayos anak ko ng walang iniisip na kahit sino at komportable ako.. kahit mag ingay man ako at magmukang clown, mapasaya ko lang anak ko.pero dito nahihiya ako gawin yun.. kaya ang ending di ko nakakabonding ng maayos baby ko.. although ginagawa ko naman lahat ng pag aalaga sakanya. sinubukan ko nadin umuwi samen kasama ang asawa't anak ko.. para mas mapalapit pa kami at maalagaan ko.siya ng maayos na walang iniisip. kaso pinauwi din kame dito dahil nagkakasakit ang anak ko dun dahil nahahawa siya minsan sa mga pamangkin ko. bumalik lang ako dito para sa asawa at baby ko. para sa kasiyahan nila. ayun lang, napapalayo loob ng anak ko,.at pati ako nadin. di ko naman sinasadya maramdaman to.. pero parang gusto ko nalang hayaan nalang siya tutal mas masaya naman siya dito at sakanila.. di kasi breastfed anak ko. kaya kahit wala ako sa tabi niya di niya ko hinahanap.. kasalanan ko lahat bakit ganito.. di ko naman alam na ganito mangyayari.. :( sana po ma advice-an niyo po ako para mawala po itong mga nararamdaman ko. or para malaman ko po kung ano dapat kong gawin.. thank you in advance.#firstbaby