Mag sstay ba ko sa jowa kong ubod ng tamad at walang diskarte sa buhay as in (wala syang work simula lockdown hanggang ngayon, pachill chill lang sya) pero tagapagmana ng mga ari arian nila sa china? Chinese sila at nagiisang lalaki sya. At ate nya. Dalawa lang sila. Pero same sila lumaki dito sa pinas. 78yrs old na ang papa nya, mommy nya passed away in 2013.
Natatakot ako na baka once na makuha nya lahat un saka nya ko iwanan. Kasi ngayon ako palagi ang gumagastos sakanya. Ako lang kasi ang may income saming dalawa. Pag nagkakapera sya, puro luho ang binibili. Di man lang ako maalala na bilhan ng pasalubong man lang o matreat sa resto or kahit pang salon o pedi. Btw, libre ko sya lagi pag nagpapa footspa at mani pedi ako. Ayoko kasi ung ako lang ang maayos. Bibigyan ko din sya pera pang gupit nya sa brunos o kaya sa bench. Ayaw nya sa mga tabi tabi lang na barber. May pagka madamot din. Dati nung sya ung may work at ako ung wala, sobrang sama ng loob nya pag gagastusan nya ko, oorder sya milktea, bibilhan nya ko pero isa sakin, sakanya dalawa. Iinumin nya un magisa. 😔 Sobrang pagtitiis ko sa kanya. Gusto ko na syang iwan kahit pa tagapagmana sya, para akong may alagang bata. Nakakapagod. 😔Pero saming dalawa sya lang parati ang nagbabanggit ng kasal. Kahapong umaga bigla na lang nya nabanggit habang naglalaro sya ps4, na once na makuha na namin ung dream house and dream business namin magpapakasal na kami, pero di ako nakaimik.