96 Các câu trả lời
Sis, kita mo, lahat sila dito sinasabi umatras ka na sa kasal habang may oras pa. Tama yun, sa bandang huli kawawa magiging sitwasyon niyo ni baby. Lagi niyo pag aawayan yan, yung mga pangangailangan mo ngayon buntis ka hindi niya maibigay eh napaka basic lang nyan, paano pa kaya pag lumaki na anak niyo? Mas malaki gastos. Yung mga ganyang selfish na lalaki mahirap magbago yan, nung nalaman niya pa lang na buntis ka, dapat noon pa lang nagtino na sya, priority niya na ikaw at si baby. Kaso mayabang eh. Puro luho. Iwan mo na yan, siguradong magugutom kayo ni baby dyan. Sabihin na nating mahirap, pero mas mahirap magutom ka at anak mo kesa mawalan ng bonjing na asawa. Hindi dapat pinanghihinayangan yung ganyang lalaki. Ayaw mong lumaking walang tatay yung bata? Gusto mo ba lumaki anak mo na ganyan yung kamumulatan niyang tatay? Madamot? Iresponsable? Ikaw na nagsabi, mahal na mahal mo anak mo, dapat sya ung inuuna mo, gwn mo kung anong makakaabuti sa kanya. Pangalawa nalang ang sarili natin. Pag nakapanganak ka na, hanap ka work, saka obligahin mo siya sa sustento, may VAWC naman. Magtiwala ka lang sa sarili mo, malakas ka. Kayang kaya mo yan. Makakaraos din kayo ni baby. ❤🙏
Mommy, siguro iwanan mo muna sya i mean lumayo ka para matauhan. Mas madami tayong needs ngayon lalo na at buntis tayo kilangan talaga natin kumain at wag mong tiisin na hindi mo makain yung gusto mo, kase ibig sabihin gusto din yun ng baby mo magiging happy sya sa tummy mo pag happy ka. Thanks God talaga na kahit sobrang daming luho sa katawan ng jowa ko at literal ng may sugarol talaga siya hinding hindi nya kami pinapabayaan lalong lalo na yung pagkain ko pag alam nyang may gusto ako kainin ipapangutang nya pa para lang maibili ako ng pagkain kase sabi nya magugutom ang baby namin at hindi din sya pumapayag na sa center ako magpacheck-up o maghingi ng gamot kase safety daw namin ni baby ang iniisip nya. Okay lang daw magmukha syang kawawa basta mabigay nya needs namin ng anak nya, kaya pag may extra kami pinapayagan ko nalang sya sumugal reward nya nalang sa lahat ng ginagawa nya para samin ng anak nya.
Nako sis. Buntis ka palang ngayon ti itipid kana. Pano nalang pag lumabas na ang baby mo, baka pati baby nyo tipirin din nya. Wag muna kayong magpakasal sis. Kasi pag kasal na kayo wala na kayong magagawa kailangan nyo na magtiis. Hayaan mo muna na marealize nya na magiging tatay na sya at may responsibilidad sya. Kung di nya narealize, IWANAN mo na sis. Kawawa naman ang baby mo, nasa tiyan palang pinagdadamutan na. 😩 Sobra kong blessed sa asawa ko, ako na minsan ang nahihiya kasi grabe nya tipirin ang sarili nya para lang masiguro na nakakakain ako ng maayos at naiinom ko mga meds ko. Ni hindi nya nga mapalitan yung CP nya, or makabili ng bagong damit kasi kami daw ni baby ang priority nya. 😭💖Masasabi ko na ngayon palang spoiled na kami ng baby ko. Sis, wag kang magtiis sa maling tao. Hindi pa tapos ang buhay mo kahit nabuntis kana nya, pwede ka parin umalis kasi di pa kayo kasal.
nku sis dapat bago unahin ung mga luho nia inuuna nia muna kau okie lang magluho basta ung budget nia eh kasya sa inyo at ndi kau nawawalan ng baby muh. magicip ka muna bago sya pakasalan tanungin muh kung gus2 din nia magpakasal cguro kaya klng papakasalan kc nabuntis ka nia. saken sis nabuntis din aq ng bf q tapos gus2 ng nanay q pa kasal kami edi nkahanap na kami date at venue civil lng kc kinausap q partner q kung gus2 nia ba tlaga magpakasal dun q nlaman na wag na muna kc ndi na plano ng maaus sabi q o cgue aq bahala sa side q sya sa side nia kc pareho alam na ikakasal kami next yr 1st week ng Jan. aun OK nman usapan na saka na pa kasal. pero sa budget binibigyan aq pati needs d2 sa bahay kc alam nia wala na q work at hinahayaan q sya sa mga luho nia. pero kinakausap q pa din sya about sa luho lalu na lapit na din aq manganak. share q lang ung aken baka makatulong
kami kc ng partner q sis same na kami nka graduate. nkapgipon na din kaso ndi pa sapat. ung partner q pinalad nkahanap ng magandang work aq hindi kaya npahinto sa pag work kc bawal ung buntis. lalu na ndi pa q regular kaya npastop, samen nman gus2 ng partner q sa Church talaga ayaw nia ng civil. auq nman sya madaliin hayaan q nlng muna sya sa gus2 nia
Hays nako sis parehas lang tau ng kalagayan .... Kung di pako mag sideline ng 7months .ni bulac wala pang gamit ung anak ko at d padin ako makakapagpacheck up at ultrasound.. Ni vitamins ko sarili Kong bulsa nanggagaling..laht ng gamit ng anak ko sarili kong bulsa.. At take note sabi PA ng nanay nia at tatay ng lalaki wag daw kami bili ng bili ng bagong gamit kc kakalakihan lang daw... Mukhang gagu amputa kala nila anak nila bumibili ...ni isang prutas d ako mabilhan Simula nung nagbuntis ako ....tang ina ni isang pagkain na hiniling ko d nia naibgy ... Mas inuuna PA ung sarili kesa sa anak nia ... Alam niang manganganak ako nauna pang bumili ng CP ... Kundi panaman kupal ...haissst ....ay mga lalaki tlga iresponsable at feeling kakumpetensya ung anak nila .......
Ung mga ganitong klase ng lalaki ung dapat iniiwanan mamsh. Walang kwentang tao feeling binata ampota
WAG MO SIYANG PAKASALAN! LIKE SERIOUSLY, ALL CAPS MOMSH. Mastress ka forever pati yung bata if magpapakasal ka jan. Layasan mo na yan. Gugutumin ka lang niyan. Wala ka ba pwede mauwian and matuluyan na kamaganak? Uwi ka na sa inyo. Hindi ka mahala niyan, seryoso. Ang lalaki na totoong nagmamahal lahat ibibigay sa magina niya, kahit maglakad pa yan makatipid lang. Eh sa kwento mo mukhang no choice lang siya kasi napilitan ka pakasalan. I guarantee you, pag nagpakasal ka jan dead end na happiness mo. Isipin mo yung future ng baby mo. Anyway, nasa sayo pa din yan nagbabase lang naman ako sa kwento mo but for me it's a big NO. don't marry him, wag ka magtiis sakanya, layasan mo na.
wag mo pakasalan pag ganyan... ako nun sinabi ko talaga sakanya "sana inisip mo muna yang gastos bago mo ako binuntis!" so ayun... wala siyang angal 😅 although di naman ko maselan at di naman din ako nag iinarte, di na rin ako nag wowork nung 7th month ko kaya ako na din nag adjust... milk ko hindi na anmum Bear Brand nalang hahaha tsaka ung 3 klaseng vitamins ko, isa nalang ginagawa kong 2x a day nalang 😁 haayss ganun talaga pag wala kang sariling pera... khit asawa ko na di parin ako nagdedemand na bigyan ako ng pera... di naman nagkukulang sa pag provide kahit papano
Momsh, di porke nabuntis ka niya eh kailangan ninyo magpakasal na. Naku po, based palang sa kwento mo, ni hindi na kayo maalagaan ngayon palang, paglabas ng anak mo mas maraming pangangailangan na kailangan tugunan, paano na kapag ganun? mas lalo kayong kawawa. umuwe ka na lang sa inyo. alam ko madaling sabihin pero mahirap gawin, pero parang mas makakabuti rin sayo na iwanan mo yan kesa ma-stress ka at yung needs ninyo ni baby ay hindi matugunan. saka pag nagpakasal ka dyan baka pagsisihan mo lang balang araw. mahirap matali sa taong ganyan. mag isip isip ka mamsh.
kung ganyan ang trato nya sayo mamsh,pag isipan mo muna yung kasal nyo kasi kung ganyan sya ng di pa kayo kasal pano pa kaya kung makasal kayo, baka masakal ka. hirap pa naman na kumalas kung kasal na kayo. Ako never akong tinipid ni hubby lalo na nung naglilihi ako, lahat ng need at want ko na poprovide nya and lalo na sa pera kasi hati kami sa monthly income nya at weekly allowance tas binibigyan nya pa ako kung may extra sya, so ayun dami ko tuloy ipon para kay baby kasi almost 3/4 ng kinikita nya nasa akin. piniprepare ko para kay baby nalang.
naku sis, wag kana malungkot.. wag mo na yan pakasalan. ok na ung may baby kau. wag ka patali tapos ganyan lang .. hinde ko namn kinukumpara, pero ung partner ko gusto monthly ako magpapa chck up. at xa pumipila para makabili lang ng gatas ko. naghahanap talaga xa ng gusto ko kainin,kahit maarte lang talaga ako haha .. di kasi ko naglilihi pero may paminsan na cravings pag gutom.. tiis lang sis pag nakapanganak ka at malakas na, hanap ka work ka ipon ka para sa inyu ni baby.. sa ngaun n wala ka pa . tiis tiis lang momshie.
Marlyn C.Santos