Mag-iisang buwan pa lang po si beybi ngayong January 6th ang problema ko po madalas po kaming puyat mag-asawa kakabantay kay beybi 24/7 kasi ayaw po niya palapag. Gusto niya palagi siyang karga at kung ilalapag mo naman kapag tulog na isang minuto pa lang po gising na siya. Hingi po sana ako tips or advice kung anong dapat gawin para hindi po kami mapuyat masyado. Dalawa lang po kasi kami mag-asawa salitan nagbabantay kay beybi eh kelangan din po naming magpahinga dahil may trabaho po. Sana po meron pong makapagbigay ng advice para makatulong sa amin. Bonna-user po si beybi dahil low po milk supply ko. Thank you po in advance. Happy 2020 po!
???