20 Các câu trả lời

para po mas sure pacheck up ka na po. ganyan din ako ng 1st tri almost 1 week spotting po, tapos nung medyo dumadami na natakot na ko, kaya nagpacheck na po ako. thankfully wala naman po prob. nag patransv ako around 7 weeks na pala siya. malinis ung matres ko po kaya ang sabi ng OB ko implantation bleeding po un. binigyan lang ako pampakapit for a month. nastop ung bleeding after medication. pero nagkaron pa din ako spotting this 2nd tri, 3x which is nastop.naman din. stressed mom po kasi ako.

yes po mii. mahirap po iwasan stress talga sabi nila kasama sa pagbubuntis yun. pero for me depende sa sitwasyon po. entire pregnancy ko stressed ako and di ko talaga maiiwasan. payo ko na din iwas ka stress pero di ko ipilit un kasi ako mismo di ko magawa. magiging ok ka din po🤗

Hi maam better patingin nlang sa doctor para assurance po at mag req po yung ob ng tvs para ma tingnan if my heartbeat pa ba c baby, iba2 din dala ng pag bubuntis my kapitbahay kami na nag bleedbleed tlaga cya hangang nangank dahil maselan pag bubuntis nya nung nag bubuntis cya sabi nya ma ingat talaga cya sa galaw. Kaya if sensitive ka sa pag bubuntis wag mashado mag puyat at mag buhat na mabibigat na bagay

Ako mii, 7 days spotting and tinitignan ko if may nasama ba na dugo pag naihi ako pero wala naman kaya ang ginawa ko inom lang ako ng inom ng tubig. Kase baka dahil sa uti kaya ganun ako magspot, awa ng Diyos okay naman po ang baby ko. Basta lagi ka lang magpunta sa OB-GYNE para sa safety nyo ng baby lalo at 4 weeks palang medyo maselan.

Pacheck up ka pi mi gayan po nangyari sa aking nung 10 weeks pregnant ako stressed kase ako nun 2 days po akong dinugo pero pagka take ko ng gamot at huminto po bale 2 weeks akong nag medication ngayon ay 23 weeks pregnant na po ako sa awa ng diyos ay ok na at hindi na ulit nag spotting.

TapFluencer

Ganyan din po ako ngayon. Hindi sya tuloy tuloy na lumalabas, hindi rin napupuno yung pads. 2 days na ngayon actually, sinabi ko sa OB ko and binigyan/niresetahan ako ng Heragest for 30 days, bed rest and no s3x . 5 weeks preggy too.

baka mababa matres mo bawal kang napapagod po ganyan din ako bago malalag yung baby ko last time. pacheck up ka ulit para maresetahan ka ng pampakapit. bed rest ka po dapat base po sa naexperiece ko lang po.sana makatulong.

wag ka po pastress. isa din po sa pwedeng dahilan yun. libangin mo na lang sa ibang bagay yung sarili mo po hehe

mas mabuti po magpacheck up ka na.iba-iba kc tayo ng experience/situation.sakin po kc nong makunan ako,5 days na may spotting then brown pa kulay.tapos nong magpacheck up ako,wala na heartbeat ang baby ko

same situation hehe mag 5days nadin ako pero niresetahan lang ako ng gamot pampakapit pero wala rin naman kung anong masakit sakin di rin naman daw open cervix ko hehe sa 27 follow up checkup ko uli

yun nga po e,ask kolang mamsh gaano kadami po yung bleeding nyo nung first tri nyo po? kinakabahan nako kase may humahalo napong konting cloth sa akin tapos super dark red po yung blood na malabnaw

try mo po magpacheck up para maresetahan kayo ganyan din Po Kase saken bago me makunan, ng maagapan nyo pa

nag pacheckup n po kayo sa OB? patingin n po kayo para maresetahan ng pampakapit. Saka po mag bedrest po muna kayo.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan