27 Các câu trả lời
Higop ng may Sabaw na ulam kahit nakakaumay G Lang tapos lagyan maraming Gulay. kung wala budget pang Gulay MagMalunggay Sobrang helpful. laging warm Water ang inumin para mag stimulate ang Milk going to Breast. Magpa-latch palagi. i-soft massage before and during Nursing kay Baby. I read that somewhere really helpful. Mag warm bath. Uminom ng Natalac ☺️ Hiyang sakin yan pero depende sayo. wag Ma stress kakaisip kung paano Magproduce ng milk, Instead Maging joyful sa small beginnings. di pa huli lahat. Si Baby Talaga makakahelp sayo to Stimulate. Breast mo muna ipadede mo sa kanya then after 15 mins. Tsaka mo sya i-feed sa bottle. every feeding session nya magboboost rin yan tiwala lang.
Sabi kumain daw or uminom lage ng masabaw, magtake ng supplement na pampaggatas, unli latch, lactation cookies and breast pump. Di rin ako magatas sa first baby ko kc di ako matubig nun hanggang sa manganak ako, kahit nung dalaga pa ako actually di ako matubig, pero kahit papanu nakatulong ung natalac, breast pump and lactation cookies dahil dumami gatas ko though still not enough kaya mix ang baby ko. 2 1/2 mos ko lang napadede c baby kc nilagnat ako so nawala gatas ko. Sayang. Feel ko pa nman nun dumadame gatas ko nung madalas ko sya padedehin sakin.
Unlilatch lang mommy. Breastmilk production ia based on Supply and Demand. Basta make sure na proper latch si baby, and well-hydrated ka. Huwag ka muna magpump kung hindi ka naman mawawalay kay baby, nakakapanghina talaga ng loob ang makita output sa pump. Ang dami ng pump is NOT a reflection of your milk supply ☺️ Ang pagbasehan nyo po ay yung output ni baby (poops, wiwi, pawis). Kung hindi naman po sya mixfeed, rest assured na sa inyo lang nanggagaling yung mga nilalabas nya ☺️
mag latch lang si baby mamsh. dapat proper latch tapos masasabaw na food. iwas salty food and dry na pagkain. Fluids is the key, kaya drink water always at least 10 cups of water a day. I also drink M2 Concentrate tea drink at night (mini-mix ko with Bear Brand Adult Plus na milk) and I take Malunggay Capsule (Natalac Forte 500mg) sa umaga after breakfast. Iwas stress syempre, and get enough sleep din po. the more frequent you feed your baby, the more you produce breastmilk.
If you pump right after you feed Mi, normal lang ang ganyang output. It takes 2-3 hrs para dumami at ma replenish yung nadede. If you're goal is to increase output for stash para sa future errands, then constant pumping at unli latch si bany Mi.. you can do pumping every after feeding or parallel pumping. Feed sa right, pump sa left. Hydration, enough sleep and stress free is important din po.
wag panghinaan ng loob mie,alam mo ako,kunti lng gatas ko kaya ang technique ko para mabusog ang baby ko pinadede ko siya maya't maya,at kung alm ko ng full na siya,itinitigil ko na at pinapaburp kasi mahirap din mg overfeed hanggang ngayun mie na 4months na si baby gnun pa din ung ginagawa ko..sa awa ng Diyos sa tuwing ppunta kmi sa center may dagdg nmn ung timbang niya..
sabi ng OB ko noon kung gaano lang kadami ang need ni baby yun lang din ang pinoproduce natin na milk unless talagang nagttake tayo ng supplements and more fluid. ganyan lang din sakin mi and hindi naman nagugutom anak ko. pero ngayon pinapractice namin sya mixfed kasi malapit na din ako bumalik sa work, gusto ko din sana mag pump
Dadami Yan mommy, ganyan yung isa kong friend noon, 1 or 2 oz lang per pump. Sinunod niya ko sinabi ko 3 times a day siya mag pump, plus kain ng maraming food na sagana sa malunggay at sabaw. Ayun. Siya na ngayon mas maraming nadodonate na gatas kaysa sakin hahaha galing dedication and mind over matter din ang importante
keep hydrated, eat gulay , masabaw, malunggay,. try din po yung mga malunggay capsule. tsaka unli latch. pero pinaka impt. mindset po. mindset na dadami ang gatas mo. sabi nga ni doctor ato basco na it all comes in the mind po. dapat magtiwala na meron at madami. bawal din po ma stress. goodluck mamsh
Hi, momsh. Una po wag paka-stress at sobrang mag-worry sa dami ng breastmilk mo now. Tyagain mo lang ipa-latch si baby. Saka baka on-demand pa yung dami ng napo-produce sa ngayon. Kung hindi naman nagugutom si baby, okay lang din yan. Stay hydrated.
Anonymous