Hurt

Mababaw ba yung dahilan ko mga mommies? Hindi pa kami kasal pero may anak na kami. Niloko nya na ako noon nung buntis pa ako pero pinalampas ko yun and now 6 months na ang anak namin. Medyo di sya nagchachat sakin at napapansin ko yun. Kakaopen ko lang ng account nya kanina at nakita ko na nagchat yung BestFriend nya ngayon pero first love nya noon ng "Bakit?" pagkaopen ko wala ng ibang chat at halatadong binura nya ang convo. nila. Pinalitan nya pa ang name ng best friend nya ng nickname na "ampang". I cannot help myself but to chat her also at marami akong sinabi na hurtful words. Nanghina na lang talaga ako at sobrang sakit. Mag-4 years na kami dis december. Hindi ko na alam ang gagawin ko talagang sobrang galit ako sa kanya pati sa babae na yun kasi alam nya naman na may anak na kami. Ang hirap mga momshie. Naluluha na lang ako ngayon at pinipigilan kong maluha kasi ayaw kong makita ako ng papa ko na umiiyak ako.

23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hindi ka mababaw.. kausapin mo ung lalake kung ano ba talaga ang balak nya sa buhay dahil laging ang anak ang kawawa sa huli ..

Thành viên VIP

hays ganyan din asawa ko hiwalayan mo na mommy habang maaga pa .

Thành viên VIP

Kinausap mo na yung tatay ng anak mo? Anong sabi nung babae?

6y trước

Yun asawa ang my problema. Kelangan my mares evolve