My L&D story

Luna Eloise 2.4 kg EDD: Sept. 4, 2020 DOB: Aug. 26, 2020 Induced labor Masyado ng late itong story ko pero gusto ko lang i-share. A week before kong manganak, in-IE ako ng Ob ko. 2 cm na daw, naisip ko na kaya pala nagkaparang dysmenorrhea-like cramps ako nung nakaraang linggo. Di ko lang pinansin kasi wala namang associated na signs at wala din namang mucus plug. Sinabihan ako na baka within that wk manganak na ako kaya dapat ready any time. Sa totoo lang, ready na ako nung buong linggo na yun. Niready ko naman na ang mga gamit, nag-go through lang ako sa partner ko kung saan kukunin ang alin at kung kailan iaabot ang alin (sa pagka-OC ko, bawat stage ng pagstay namin sa Lying-in, nilabel ko). Natapos yung linggo, wala akong naramdaman na kung ano. Cramping or pain, wala. Hanggang sa check up na naman. (Here comes the exciting part HAHAHHAA) In-IE ako, which is comfortable naman ako sa procedure na yun, di naman masakit. 2cm pa din daw. Tapos sinabihan ako ng OB ko na may gagawin daw siya. Sa pagkakaramdam ko, parang diniinan niya pa lalo ang pagIE, tapos biglang may naramdaman akong *pop* tapos buhos ng tubig. Pareho kaming nagulantang HAHAHHAA Wala daw ba akong ganung leakage ever. Sinabi kong wala. Sinabihan niya na ako na "pumutok na panubigan mo, induce na kita ngayon ha, papaanakin na kita ngayon" na talaga namang kinanginig ng laman ko hahahha ready ako last wk, ngayon HINDI!!!! Napakasakit pa ng IE kapag naglelabor!!!! Parang kinukutkot juskolord. Nung 6-8 cm ako, nasuka pa ako sa sobrang sakit nung in-IE ako. Gusto ko ng sumuko nun dahil ang hirap pero imbes na sa partner ko ako kumapit, sa tiyan ko ako nakapit. Konti na lang, andito na yung hinihintay namin. 12 hrs later mula sa pagputok ng BOW ko (4 excruciating hours of active labor, medyo traumatic para sa akin kasi masyadong low ang pain tolerance ko), out comes our bb ghorl!!! Di ko alam kung paano ko nagawa yun o kung ilang ire ang ginawa ko. Pero magaling daw akong umire, pero sa pagbawi ko ng hininga ang taas ng tinataas ni baby (yun pala may cord coil). Magaling din si Ob dahil 8 cm, minasahe niya para maging 9-10 cm. Sa sobrang ire, pumutok ang maliliit na ugat sa mukha ko, para akong may chickenpox pagtapos kong manganak 😅 Worth it lahat. Pagkarinig ko ng unang iyak niya, nakahinga na ako ng maayos. Keber sa sakit nung nilabas si placenta at mas lalong keberlaloo sa sakit ng pagtatahi. I got my baby on my chest crying her lungs out and I felt I could conquer anything. ♥️ Salamat po sa pagbabasa!! #pregnancy #1stimemom #firstbaby #theasianparentph

2 Các câu trả lời

Câu hỏi phổ biến