Lucas Aden
EDD: Nov.17
DOB: Nov.11
Delivery: NSD
Thanks sa app na to dahil malaki ang naitulong nito sa pregnancy ko.
May gestational diabetes po ako so two months pong controlled diet ako at sugar monitoring every day.
At 35 weeks 1cm na ako kaya bed rest until ma reach ko ang 37 weeks. At 37 weeks nag 2cm ako with discharge at pinayagan na ko ng OB ko na magpakatagtag. I did squatting, walking, going up and down sa hagdan, yoga, zumba at pati pagkarga ng 10kls na baby.
At 38 weeks nag 4cm ko pero mabagal mag progress ang dilation ko so pinagtake ako ng evening primrose ng OB ko for a week. Wala rin akong pain na nararamdam but my OB suggested na magpa admit na ako at 39 weeks pero di parin ako nagpa admit so umuwi muna ako at tinuloy ang routine ko na walking. When I reached 39 weeks and 1 day dun na ko nakaramdam ng sobrang sakit na pain pero di parin ako nagpa admit that day then kinabukasan napaiyak na ako sa sakit( nakuha ko pang i-check out ang nasa cart ng Lazada ko haha). Nagpa admit ako at 12 pm at pagdating ko sa hospital 7 cm na ko. Nasa labor room na ako amat nakuha ko pang makipag chismisan sa kasama ko sa room. Then ie ulit si doc nag 8cm na ako. After 3 minutes pumutok na panubigan ko at ayun 2:43pm lumabas na si baby.
Nakakainip maghintay pero sulit kapag nakita na natin si baby. Kaya mommies, lalabas talaga si baby kapag gusto na niya. 🙂
Power sa mga team November dyan. 🙂