My Sugar Baby

Lopi Rhys EDD: Jan 20, 2020 DOB: Jan 14, 2018 3.5kg via ECS With GDM Since d ako makatulog. I share ko na lng birth story ni baby. Nagising ako Jan 14 around 6AM. Nararamdaman ko na sumasakit ang puson ko at para akong nadudumi pero kaya naman, nag monitor na lng ako ng intervals (7 mins). Nag cr ako at nakadumi naman at after noon ay nawala na pain. At 10AM, bumalik yung sakit ng puson at parang nadudumi na pakiramdam kaya nag cr ulit ako para dumumi pero after noon ay hindi na nawala yung sakit. Every 5-6 mins na din intervals ng contractions kaya naligo na ako at si hubby. Ayoko pa pumunta ng hospital kasi kaya ko pa ang sakit baka hindi pa ako i-admit. Kumain pa ako ng tinola. Nag email na din ako sa OB ko, ni-send ko ang screenshot ng intervals, sabi nya punta na daw ako ng delivery room. 1PM umalis kami ng bahay. At 1:30PM, pinasok na ako sa room para i-IE, 3cm na daw ako pero nakita nila na hindi ok ang heartbeat ng baby. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Baka daw nag poopoo na si baby due to fetal distress dahil daw strong ang contractions ko. Pina-admit na ako ng OB ko at pina rapture ang water bago ko, nag 4CM ako agad. Nag ok ang heartbeat ni baby for 10 mins pero after that hindi na naman okay. My OB called me para sabihin na need ko na i-CS. So the preparation happened around 330PM, sobrang sakit na ng mga contractions ko, napapaiyak na ako sa sakit. Dinala na ako sa delivery room at sinaksakan ng anaesthesia sa likod. Around 420PM nailabas na nila ang baby ko. Lahat ng sakit at takot ko nawala ng madinig ko ang iyak nya. ???

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan