Depressed Mommy ?

Long post, sana po wag ako mabash. Nun October 11, nawala yun mother ko. At that time mga 27 weeks na ata ako. Na ospital sya nun Sept 25 tapos nagtuloy tuloy na. Naoperahan sya twice pa kasi nagkabutas un intestines nya at may myoma sya na di namen alam. Sobrang sakit na makita na ang daming nakakabit sa kanya na tubo at her age of 74, dapat di nya un naranasan. ? Nawala sya sa amin nun Oct 11. Mula nun naospital sya di na ko nakapagpacheck up kasi only child ako. Ako nag aasikaso lahat. Though pinapauwi ako ng mga nurses sa ospital pag gabi na nun naconfine sya, kahit gustuhin ko man na bantayan sya, hindi pwede kasi buntis ako. Umabot bill namen ng almost 600k kaya sobrang stress ako at yun partner ko. Kung kani kanino kame humingi ng tulong para lang sa hospital bills nya. Di na kame makalipat public kasi walang tumanggap sa amin na public hospital sa critical na condition nya. Binenta namen tricycle namen na pangpasada. Muntikan na pati un paupahan naman e isangla ko. Kaso sya na din ang bumitiw. Hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin sa akin. Sana po wag nyo ko ibash pero ang nararamdaman ko, bakit parang kapalit ng baby ko e yun buhay ng mother ko? Bakit kelangan ko mamili sa kanilang dalawa? Can't I be happy na andito sila both for me? Kine question ko minsan ang Diyos kung bakit kung kelan pa ko manganganak, saka pa nagkaganito. Mula nun namatay un mama ko, nawalan na ko ng gana kay baby. Dati everyday ako nagbabasa dito sa app na to para lang matuto kasi excited talaga ako, kame dito, na magkakababy na ko. Hanggang ngayon, di pa ko nakakabalik sa OB ko. Di ko na naiinom mga vits na binigay nun OB lalo na nun nasa ospital ako kasi iyak din ako ng iyak. Dapat bago sya naospital e scheduled na ko for OGTT at urinalysis kasi may UTI pa rin ako. Hanggang ngayon, di ko pa rin nagagawa. I'm already at 30 weeks. ? Nawalan ako ng amor sa anak ko. Sa tuwing iniisip ko na magiging ina na ko, ang unang iniisip ko, pano pa ko magiging nanay nito e wala na si mama na magguguide sa akin? Syempre kahit na in good terms kame nun inlaws ko, iba ang kalinga ng sariling nanay. Miss na miss ko na si Mama, kasama namen kasi sya sa bahay. Ramdam ko ang pagkawala nya kasi tuwing umuuwi ako galing office, (midshift kasi ako, 11:30 uwi ko) hinihintay nya ako. Ngayon, wala na ganun sa akin. Dapat ikakasal na din ako nun Oct 10 kaso di din nangyari. ? Ngayon, gusto ko sabihin sa partner ko na pagpakapanganak ko, umuwi muna sila ni baby sa province nila at ako, balak ko mag abroad na lang. Gusto ko talagang lumayo muna, baka sakaling manumbalik un dating ako. Di ko alam kung kaya kong mahalin un anak ko kasi alam kong durog na durog talaga ako ngayon. ? Gusto ko lang po talaga ishare kasi tuwing mapagiisa ako, umiiyak na lang din ako. ??

13 Các câu trả lời

TapFluencer

Mommy pray ka po. Wag ka bumitaw. Infairness mommy kahit hindi ka uminom hindi ka nagpaprenatal , kahit stress kana. God knows what hes doing mommy . Kahit stress ka nansdiyan pa rin baby mo di ka iniiwan. May dahilan si god bakit nandiyan pa rin si baby . Same case tayo kaso ako gusto ko magka baby para naman mawala ñahat sakit naramdaman ko. Kaso sakin si daddy nawala. Kaso matagal na pero di maiwasan namimiss ko until now. Umiiyak ako. The way mag kick sa tummy si baby ko. He make my day , he make my day rainbow even hes inside my tummy im currently 32 weeks and 4 days. Thanks to god mommy madami akong napagdaanan to my pregnancy journey kasi here i come sobrang selan ko im bed rest at all. Kasi iniisip ko siya . Mawawala din yan. Im praying you mommy god heal your heart and brain replace a happy lifer happy moment happy memorize. All your pain is god knows , god knows everything if you can trust him. All you can do is TRUST HIM, BELEIVE HIM, TALK TO HIM, AND PRAY EVERTHING . THANK EVERYTHING KAHIT MAY PROBLEMA O WALA. JUST THANK HIM. GOD IS GOOD ❤🙏🤲☝

Mommy, alam ko pong deep inside mahal na mahal mo si baby. Nasa state ka pa kase ngayon na yung emosyon mo napakaunstable pa sabay na buntis ka tapos namatayan ka pa nan isa sa pinakamahalagang tao sa buhay mo. At ang napagbubuntunan mo nun yun bata na nasa tyan mo. Pero kahit ganon alam ko mahal na mahal mo pa den sya. Nasisisi o nakukwestyon mo den si God kase nga nangyari sayo yan pero keep your faith. Hindi den naman gugustuhin nan Mama mo na yung apo nya ay masisi mo kase wala naman kahit isa sa inyo ang may kasalanan. Parte yan lahat ngpagsubok na kelamgan mo malampasan. Kaya mo po yan. Malalampasan mo din yan wag ka mawalan ng tiwala. Labanan mo yung depression at ibalik mo yung positive sayo kahit paunti unti at mahirap pero take your time. Wag mo den pabayaan si baby kase pareho kayo magsusuffer dahil nasa loob pa den naman sya nan katawan mo at anak mo pa din sya paglumabas na. Kaya mo po yan mommy.

Mommy, please understand na time na talaga nung mother mo. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng ina, nawala na din saken nanay ko last 2016. Kaya alam ko yung pakiramdam mo, nung una galit ako kasi bakit ganon, malakas pa kasi siya eh. Pero nung unti unti kong tinanggap lahat, doon ko na naisip na ang selfish ko pala for not letting her go. Kasi oras na, time na nya magpahinga at para ako naman ang tumayo sa sarili kong mga paa. Tapos this year na buntis ako, baby girl. Bigla kong naisip na m, baka eto yung kapalit ni nanay ko na nawala sa akin. Wag mo sisihin si baby. Wag ka mawalan ng amor. Sa palagay mo ba magiging masaya nanay mo pag nakikita nyang ganyan nararamdaman mo sa apo nya? Hindi ka nya iniwan na mag isa, iniwan ka nya na may kasama. May magpapasaya sayo kapalit nya. So please, wag ka lumayo sa anak mo. Take care of your child, yun gusto ng mama mo.

Ganyan din naman ako momsh. Wala nanay ko nung kinasal ako last year, na pangarap nya talaga para sa akin. Lahat ng bagay na nangyayari sa atin may purpose. Kaya wag mo ilayo si baby sayo o yung loob mo.

All you need is bring back yoyr faith in God. Binigyan ka ni God ng angel mo but nawawalan ka ng amor sa baby mo? (hindi po kita jinajudge ma'am) lahat naman tayo pag nawalan ng mahal sa buhay syempre masasaktan tayo. But, yang baby sa tummy mo ma'am walang kinalaman yan sa pagkamatay ng mama mo. Just pray na iguide ka ni Lord and mama mo sa pagpapalaki mk sa bavy mo. Gayahin mo yong mga magagandang ginawa sayo ng mama mo nung bata ka hanggang sa ngayong malaki kana. Cheer up po ma'am God always have a plan for us. Hinding hindi tayo pababayaan nv Dios.

Wag mong isipin na kapalit ng baby mo yung buhay ng mother mo in a negative way. My mother was diagnosed with breast cancer last 2016. Syempre unang una na papasok sa isip ng taong may cancer is kamatayan. Only child lang din ako at ang unang naisip ng mother ko nun is sana bago sya mamatay, e makita nya ko na may pamilya na para mapanatag sya. I'm sure ganun din sa mom mo, di nya man naabutan paglabas ng baby mo paniguradong panatag sya dahil di ka nya iniwan ng mag isa.

Salamat po! Nabigla po kasi talaga kame dito na may ganun pala syang sakit. In two weeks, nawala sya sa amin. Nagcelebrate pa kame ng bday ko at bday ng partner ko nun 21 tapos 25 naospital na sya. Sobrang hirap tanggapin, sobrang nakakadepress. Yun feeling na wala akong magawa para sa pain nya nun nasa hospital sya. 😔😔😔 Pero ngayon, pinipilit ko po na maging okay. By next week, babalik ako dun sa OB ko para sa check up ko tutal nakaleave pa rin ako sa office.

gayahin mo c mama mo na naging mabuti sa inyong mga anak.. tiyak kong hindi sya matutuwa kung pababayaan mo ang apo nya.. kahit nasa heaven na c mama mo i know i ga guide nya kayo dhil mahal na mhal nya kayo.basta be strong wag mo isipin na c baby ang kapalit ni mama mo, maybe tlgang oras na nya. time will tell and will heal everything 😁

Stay strong po. Be healthy for the baby. Ayaw mo naman siguro na pati kay baby ay may mangyaring masama. Drink your meds na and visit your OB. Don't get me wrong pero try nyo din po mag seek ng advice sa psychiatrist. I think makakatulong po para sa pagpapalaki nyo kay baby. Condolences po and magtiwala lang po tayo kay Lord. 😊

VIP Member

my purpose kung bkt nangyre yan. for sure gusto ng mama mo na ituloy mo yan at mging isang mabuting ina ka sa anak mo. di ntatapos ang buhay pglabas ni baby mo msasabi mong my saya na idudulot tlga ang anak mo. pray lng mommy wag mawalan ng pag-asa wag mawalan ng faith tuloy prin ang buhay pra sa binubuo nyong bagong pamilya.

think positive lng. for sure mommy you will. tulad ng mama mo nging isang mabuting nanay sya para sau at yan dn gusto ng mama mo sayo at sa future baby mo. ang pghihirap ng magulang minsan di na sinasabi sa mga anak kc hanggat kayang mgsakripisyo pra sa knilang anak eh gagawin nila. tama yung cnbi ng isang ngcomment dito na di ka iniwan mgisa ng mama mo dhl bago sya mawala sinigurado nyang my mkakasama ka habang buhay at my mgaalaga sau kht wala na sya.pakatatag ka lng di yan ibibigay sau kung di mo kakayanin. always pray 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Have faith mommy 😊 Ako pagkapanganak ko namatay yung father ng asawa ko. Sabi nila yung baby ko daw ang pinalit sa buhay ng tatay niya. Sobra siyang nalungkot non kasi mahal na mahal niya papa niya. Pero ngayon iniisip niya na papa niya yung inaalagaan niya kaya todo effort talaga siya

ako din mommy solong anak ako and wala na kong papa. 2 lang kami ni mama sa bahay kaya para samin blessing si baby siya nagpasaya sa bahay

Minsan naiisip ko din yan kasi ung Lolo ko namatay din at hindi man lang ako nakapunta nung libing nya. No words can comfort you now. Mag pray ka po at kausapin mo partner mo. Kelangan mo ng support nya at mag church ka po. It will help you a lot.

Câu hỏi phổ biến