Worried dahil sa pinya...

Long post ahead. mga Sis, I just want to share.. 2nd pregnancy ko na po at ika 6th month ko na ng pagbubuntis. LDR po kami ng asawa at panganay naming anak(7y/o) Naabutan po sila ng lockdown, nasa probinsya po sila. Pinagtapos ko po muna kasi ng pag aaral ang asawa ko hoping for bright future ng sarili naming pamilya.Nung December, nagbakasyon sila dito sa maynila just to spent the christmas with me.Dun ko na rin hiningi sa asawa ko yung 2nd baby namin? Sa una ko pong pagbubuntis, kasama ko po ang asawa ko.. everytime na uuwi siya ng trabaho dati, kadalasan, apple, orange at banana ang pasalubong niya galing sa trabaho.Wala akong naaalala na nakatry kumain ng pinya during may 1st pregnancy. Ngayon po, mag isa lang po ako sa tinutuluyan ko. kwarto kwarto po kasi ang bahay namin dahil nagpapaupa kami.. Si tatay lang po ang kasama ko sa oras ng pagkain pag day off ko, may sarili rin siyang kwarto ng inuoccupy sa bahay. araw araw akong hinahatidan ni tatay ng pagkain sa trabaho. Sa isang cake and bread store po ako nagtatrabaho. araw araw din na iba iba ang prutas na kasama ng pagkain ko? Nung makalawa, nagkataon na pinya ang prutas na dala ni tatay, naka slice na ng maliliit ang pinya. sa buong duty ko, sige lang ako dampot at subo ng isang pinya hanggang pag out ko. mula umaga ng duty ko, napansin kong naninigas ang tyan ko. Hindi nmn ako nag isip ng masama, thinking na normal lng ang paninigas kasi 6 months nko. tapos nung 30 mins nlng mag a-out nko, hindi parin nawawala ang paninigas, deredretso lang at nangangalay na ang bewang ko. thinking na baka pagod lng ako sa trabaho kaya ganun, hindi pa rin ako nag isip ng masama. tapos nag open ako ng TAP, thats the time na nakabasa ako ng mga humihingi ng advice ang mga buntis ng due date na pero di parin naglelabor. karamihan ng nabasa kong advice ay uminom ng pineapple juice o kumain ng pinya. mas effective kung fresh. Kinabahan nko. Dali dali akong nag Google. Grabeng Worry ang naramdaman ko ng mabasa ko na ang pinya ay may enzyme na nakaka cause magkaroon ng contraction na na maaring matuloy sa early labor o miscarriage lalo na sa mga 1st trimester plang. Pasok ako ng CR, nangingilid na luha ko, worry na worry sa baby ko. Gusto kong magalit sa sarili ko, dahil sa kamangmangan, mapapahamak ko ang baby ko. Limang taon ko hiningi sa asawa ko ang 2nd baby nmin at unang lalaking apo both sides. Kinalma ko sarili ko, para makapag isip ng matino at hindi ako mastress masyado dahil uuwi pa ako ng bahay. Pag uwi sa bahay, nagsabi ako kay tatay na stop muna ako sa pinya at nag kwento ng nangyari.. pareho kaming walang alam ni tatay. (4years na pong wala si nanay) That night, Hindi pa rin nawawala ang paninigas ng tyan ko. Then nang nasa kwarto nako nung gabing yun, Nagchat ako sa asawa ko ng nangyari. Nagkanda iyak pa ko dahil sa subrang pagwoworry. Mag isa lang ako at hindi ko sila kasama ng panganay namin. What if may mangyaring hindi maganda.. Parang gusto ko ng paliparin yung asawa at anak ko papunta dito sa Maynila. Masmabuting kasama ko sila, mababawasan ang pag aalala ko. Nag advice yung asawa ko na kumalma ako. Sabi niya, as soon as macomply na niya ang requirements nila for graduation at mgkaroon na ng byahe ay uuwi na sila agad. Grabe ang dasal ko na sanay kumapit ng mahigpit ang baby ko. At sa awa ng Diyos, after 2 days, napansin kong bumalik sa normal yung tyan ko.. May time na tumitigas siya pero hindi na parehas nung makalawa na derederetso lang at walang tigil. Nakikinig talga ang Diyos sa panalangin. Nagpakabait nako at halos araw araw nag reresearch ako ng mga mabuti at bawal na pagkain sa buntis. Parang natruma talaga ako sa pinya.. Kapag may gusto ako kainin, ginoGoogle ko muna. Lesson learned, ang kamangmangan pwede makapahamak ng buhay..

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mamsh, pinya is okay naman lagi kaya ako kumakain nya during mg 2nd trime wala naman ngyari saakin, and consult po sa ob about sa ganyan sis wag po kay dr Google.. Paranoia lang maibigay nyan... 😊😊😊

Makakasama kasi tlg momsh kung nasosobrahan n..ok lng nmm daw kung paunti unti at minsanan lng kumain ng pinya kasi nakakatulong din nmn ang pinya para mapanatili ang mababang BP nating mga buntis..😊😌

nakakain ako ng First trimester ko ng pinya di ko naman alam na bawal pala yung time kase na yun nag lilihi ako awa naman ng diyos wala naman ng yare sa baby ko 😊 33weeks nako at sobrang likot nya

hindi yan totoo momsh , nung first trimester ko pinya pinaglilihian ko . ok naman baby ko and now kabuwanan ko na hehe . pray for me for safe delivery 🤗

5y trước

Yes kahit ako nakakaubos ako ng 2 buong pinya sa isang araw.. im on my 24 weeks of pregnancy at safe and healthy ang baby ko

Thành viên VIP

Mdalas ako uminom ng pineapple juice halos araw2 dhil constipated ok naman po kmi ni baby.. kmain dn me pinya.. cguro wag lng sobra mamsh.. 😉

ok naman po ang pinya momsh wag lang daw po yung matigas na part ang limit lang din po ang pagkaen wag damihan at wag araw arawin ..

Ako 2nd baby ko na to at panay pa rin kain ko pinya sa kahit sa first trimester wala naman po ako naramdaman kakaiba.

Huh paminsan minsan kumakain ako ng pinya wala namang nangyayare sa baby ko sa loob. Tsaka yung tita ko yan nga pinaglihaan eh.

Umiinom and kumakain po ako pinya, pero naninigas lang tiyan ko kapag napapaihi na ako.

Thành viên VIP

Good to hear na okay kayo ni baby. Pray lang talaga dapat tayo ng pray🙏🏻😊😊