BIRTHSTORY☺️ FEBRUARY BABY❤️

LMP: FEB. 8,2021 ULTRASOUND: FEB. 13, 2021 DATE OF BIRTH: FEB. 13, 2021 WEIGHT: 3.5 KLS 5 hrs. labor worried na ako kasi 40 weeks and 4 days na ko. kaya ngtanong tanong ako sa mga kakilala ko na baby boy din ang naging baby. kasi yung dalawa kung anak same girl, at hindi naman ako na overdue..sabi nila usually ganon dw pag boy nag 40 weeks talaga, pero hindi ako nakampante ginawa ko uminom ako ng evening primrose,akyat baba sa hagdan, at uminom ng salabat 3 days before lumabas si baby. medyo may nararamdaman na akong pain sa pempem ko still no discharge pa din, worried pa din ako. feb 13 ng umaga 4 am nagising ako para umihi after nun may naramdaman na ko contraction every 10 mins. so i decided mga 5:00 am pumunta kami ng asawa ko sa health center nag pa i.e ako. sabi ng midwife 3 cm. wala kami dala gamit since malapit lang naman kami. sabi ko sa midwife uuwi muna ako. pagdating sa bahay maya maya na ang hilab every 5 mins na ata, pero naligo muna ko nag ready ng dadalahin at ng almusal pa ng lugaw kahit konti. 7:30 am pumunta na kami health center tapos i.e ako sabi midwife 9cm na ko. grabe super bilis lang. pero ndi nila ko pina anak agad dahil that time my nangaganak pa sabi sakin ng midwife wag dw muna ko umire,.so ganon ginawa ko pero sobra sakit pag pigil mo na hindi ka umire, interview pa ko ng doktor base sa ultrasound ko 3.8 si baby malaki dw kaya ni transfer nila ko sa hospital, hinatid na ko ng ambulance nila pgdating hospital sinakay ako sa wheel chair tapos interview ulit, kahit masakit na need mo pa sagotin ang mga tanong nila, wait ako ng 15 mins, i.e ulit 9 cm..after nun dinala na ko sa E.R pinahiga na at yun sabi ng doktor push ko daw apat na ire at lumabas na si baby . thanks god at normal delivery si baby boy ko na si Arc Gabriel.

1 Các câu trả lời

congrats momsh makapag eve primrose nga din pag edd na ☺️ ang Ganda ng feedback and kaunti ang labor pain nka liGo kpa nga 👍🏻thankyou Lord talaga 💕

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan