A little background about me: I tried breastfeeding pero hindi talaga kinaya. Hindi kami nakalabas agad sa ospital dahil mababa sugar ni baby, yun pala, hindi siya nakakalatch nang maayos. Naghire na rin kami ng lactation consultant pero di talaga sapat ang nakukuha ni baby from me. Umokay lang ang sugar niya nung binigyan namin ng formula as advised na rin by pedia. I tried pumping, nanghingi pa breastmilk from other mommies kaya lang mahirap kung palaging hihingi. Umabot na rin sa punto na depressed na ako kaya regularly may appointment na ako with a psychiatrist. Kaya after 2 months, I finally decided to go exclusively formula. This is not an easy decision for me -- sobrang iniyakan ko. But, I am happy and thankful na kahit exclusively formula fed si baby ay nahihit niya milestones nya, gaining weight properly, at hindi nagkakasakit. By the way, since birth, never sya nakaranas na 1 full day na exclusive breastmilk dahil kapos na kapos gatas ko talaga. Ung instances na breastmilk sya, from bottle iniinom after pumping dahil nga may problem sa transfer ng milk if directly from me.
So, here po ang aking problem: around 3rd month niya, napansin kong never ko na siya napatulog na ako lang. Kahit anong hele ko, lakad habang karga siya, lambing ko, yapos ko -- nagwawala siya sakin. Binaba ko na rin pride ko na ginagaya ko na paano pagpapatulog na ginagawa ng yaya niya pati lolo niya pero ayaw niya talaga sakin. Durog na durog puso ko. Ako ang everyday nagpapaligo sa kanya, ako rin nagpapakain most of the time, pati paglaro kasama niya ako. Pero pagdating talaga sa tulugan, hindi ako ang nakakagawa.
Mas tumindi pa nung nagstart na ako ulit magwork onsite nung 8 months na siya. Nakakawasak ng puso makita na kapag nasa kama, gumagapang siya papunta sa lolo o yaya niya. Kapag aalis sila ng kwarto at maiiwan na kaming dalawa lang ni baby, nagwawala si baby. Ramdam na ramdam kong ayaw niya sakin. Ginagawa ko naman lahat. Simula magwork ako, a few minutes sa umaga ko na lang siyang nakakabonding bago ako pumasok. Pag uwi ko, tulog na sya. Gabi gabi kami magkasama matulog. Feeling ko nga minsan, para akong kabit na sa gabi ko lang siya nakakasama at pasikreto para di sya magwala. Kalmado siya since tulog naman siya. Dun ko lang sya nahahaplos at nalalambing.
Ang sakit sakit pero hinahayaan ko na lang kasi ayaw ko namang ipagpilitan sarili ko kung ibang tao ang makakapagpakalma sa kanya. Same case kami ni husband. Nag aasaran nga kami kung sino ang "hindi mas mahal" samin dalawa ni baby.
May kaparehas ko po bang case? Kailan po kaya mapapalapit sakin si baby?
Anonymous