Baby Story

My little Baby ATARA YIZKAH EDD: August 03 DOD: July 29 July 29 checkup ko sa clinic for 39 weeks and 3 days, 2 cm palang pero sabe ni midwife if i want pwede na nila ako paanakin kase malapit na ako mag overdue so di na ako nagdalawang isip tanggihan since nahirapan narin ako sa laki ng tyan ko.Mga 9 am nag insert ng pampalabot ng cervix then nag ie ng 10 am from 2 cm naging 4 cm na agad kalmado lang ako kase napakabait ng mga staff ng clinic full support sila sakin.pinalakad lakad lang ako sa loob ng clinic pagpatak ng 12 pm ie uli then nagulat ako from 4 cm naging 7 cm agad pero take note wlang hilab na nararamdaman, sabe sakin lakad lang uli then nilgyan ako ng swero sabe sakin ng midwife bakit wala daw effect na pain sakin ung gamot.ang result lang mabilis ang pagnipis ng cervix ko. At 3 pm while waiting sa knila ayun medyo sumakit na puson ko pero tolerable lang pain kase pinakain pa nila ako nagselfie pa sa loob ng room at nag you tube pa☺️ after nila mag meeting mga 3:30 pinasok na agad nila ako sa delivery room pero ndi ko tlaga ma feel ang pain unlike sa totoong nag labor na sobrang sakit dhil nagkkwentuhan pa kme ni mister at nagtatawanan pa.so ayun dinala ako sa delivery room pinahiga at pag ie 8 to 9 cm na agad tumitigas ung tyan ko at ayun may kinalikot lang sa loob ng pwerta na parang ako natatae sabe sakin ere ko lang daw tapos may nag pupush sa tyan ko dun lang ako nasaktan kase para akong sinisikmuraan, 2 ere malalim ko lang ayun booom! Labas agad si baby! nagulat asawa ko bat ang bilis ko daw manganak.kaya nagpapasalamat ako sa mga midwife na ginamit ng Dios upang makaraos ako sa panganganak.parati ko tlagang dinuldulog sa Dios na ndi ako mhirapan sa panganganak kase alam natin gaano kahirap mag labor kaya To GOD be the glory!

Baby Story
49 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Galing Naman po Sana ako din hindi ko ma feel ung pain and Sana wag ako mahirapan 38 weeks na wala pang sign Ng labor,, pero pinapainom nako Ng primrose para daw po lumambot na cervix ko

Wow. God is good. Ako nag intense labor ng 2 am, napakasakit pero God is good 4:25am na nannganak na ako. Worth it lahat ng pain. Feel na feel ang pagiging nanay. 😍

4y trước

Congrats mommy

Congrats...buti kapa nakaraos na ako 35weeks and 5days c tummy ko... Sana ganyan din kabilis sa pa gaganak ko lage din ako nagdadasal..

sana all..momsh.. naku sana talaga haha 😂😂 kabuwanan ko na this month my gooood.. malapit na ang ngiwian time.. 😅😅

Ang cute ni baby. Hehe. Parang gusto niyang sabihin "bakit niyo kasi ako pinilit lumabas?" Hahaha. Congrats mommy 😊

4y trước

Thanks po😊

Congrats po... Sana oil katulad mopo na dina nahirapan labour... Godbless...

Bait naman ng baby na yan. Di nya pinahirapan si mommy nya. Congrats po. And get well soon. ☺

4y trước

Salamat po😊

Thành viên VIP

Ang unique ng name.. Curious lang ako. Anung meaning nung name niya?

Congrats mommy! Sana ganun din ako.god bless po ang welcome baby Atara!

4y trước

Thanks po😊😊

wow galing naman po. mapapa SANA ALL ka talaga. hihi congrats mommy!