❤Meet my Baby Girl❤

Lexynne Eunice Edd:Feb. 10,2020 Dob:Jan. 21,2020 Out@37weeks 2.55kg. . via NSD@5:50am Just wanna share my experience pasensya n medyo mahaba 2☺. . Jan. 20 at 3:30pm pumunta ako sa clinic ng ob ko for my schedule check up, at sa schedule for cs, cnbi ko sa ob ko na madalas paninigas ng tyan ko at parang my nalalaglag sa pwerta ko, its my first time na Ei ni ob at gulat kmi ni ob ko 3 to 4cm na daw ako, gulat tlga ako i didn't expect na 3 to 4cm na ako kc wala akong pain n nararamdaman. Then sabi ng ob ko kailangan kuna magpaadmit that day for cesarian kc cesarian ako sa unang baby ko. . cnbi ko sa ob ko na papaadmit ako pero sa baguio general hospital dahil un ang gusto ng asawa ko, byanan ko at brother ko dahil dun sya nag wowork. . kaya umuwi agad ako para mkuha na mga gamit nmin ng baby ko. . nagbyahe na kmi ng asawa ko 6pm 2hours byahe hang baguio while nasa byahe kmi wala parin ako nararamdaman na pain hnggang sa nasa baguio na kmi kumain pa nga ako ng dinner bago ako nagpaadmit. . pagadmit sakin cnbi ng brother ko na magtrial normal ako dahil 10years nmn n gap nla ng pngnay ko. . pagkaadmit sakin Ei ako 6cm na, nung nasa delivery room na ako humiga higa muna ako dahil wala pa kong pain na nararamdaman. . tpos ung katabi ko ng bed halos magwala na at umiyak nung tinanung ko ilang cm na sya 3cm na daw. . tpos tinanung nya rin ako kong ilang cm na ako sabi ko 6cm na tpos sabi nya grabe 6cm kna pero relax ka lng jan samantalang ako subrang sakit na nararamdaman ko ang lakas ng pain tolerance mo sabi nya. . napaisip tuloy ako panu nalang ako pag naramdaman kuna rin ung pain.. Every Ei ako ang bilis ng dagdag ng cm ko. . then tinurokan na ako pampahilab nung Ei na ako 7cm na humiga pa ako then after a minutes nakaramdam na ako na parang natatae ako then Ei ulit ako 8cm na hanggang subrang pain na ramdam kuna tlga ung pain ng ng labor halos naiiyak na ako sa sakit. Dahilsa subrang sakit gusto kuna lng magpacs nun pero cnbi sakin na "hnd kaya mo yan masakit tlga ang maglabor pero kaya mo yan mas maganda mag normal mabilis ang healing"tpos tinanung na ako kong gusto kuna umire sabi ko cge po ta hnd kuna kaya ung sakit tapos bawat hilab sya naman ere ko halos maiyak na ako na cs na ako dahil nahihirapan na ko huminga tpos sabi sakin ng doctor kunti nlang nakikita na ulo ng baby ko isng deritsyong ere nlang lalabas na daw kaya binigay kuna lahat ng lakas ko na umire na deritsyo then exactly 5:50am lumabas na c baby at nilagay sa dibdib ko subrang ginhawa ko lahat ng pain worth it pag labas ni baby.. Thank you ako ng thank you kay lord. . nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko nung makita ko c baby akala ko dko makakaya mag normal thanks god di kmi pinabayaan nakaraos na ako. . Gudluck mga mommies kaya nyo rin yan☺?

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan