Hello. Anak ko 2y 2m at first nananapak out of playfulness kasi ganon yung laro nila ng lola niya. Pero pag dating sakin pinahbabawalan ko siya sa mga part na nasasaktan ako, like face, stomach etc.
Lately nagstart na siya manapak kapag may hindi siya gusto or kapag may gusto niya na hindi niya makuha.
So may napanuod ako na video ni Dr. Erika Mata, na kapag ganon nga, hawakan ang kamay nila at pag sabihan na "Wag mo gawin yan, masakit yan, mommy mo ko." Etc.
Ganon ginawa ko sa anak ko, pinipigilan ko kamay niya, pinagsasabihan with eye-to-eye contact. Consistent lang ako sa ganon, kasi at first mahirap yan i-process ng utak nila, pero habang tumatagal maiintindihan din nila.
Nagsorry siya sakin, since marunong na siya mag sorry, So far di pa naman nauulit.
Kailangan talaga mag start ng discipline as early as possible. Don't wait for it na mawala, kasi baka makasanayan kung hahayaan lang, at kung hindi iko-correct iisipin nila na okay lang yung ganon.
Farah Kristine Abayon