GRIEVIENG PROCESS (Long Post Ahead)
Last year namatay anak ko due to Nephrotic syndrome. Ever since namatay sya nawalan na din ako ng gana makipag socialized sa ibang tao. Unlike before na palagi kami nasa labas para makapag laro sya sa with his cousins. Pero nung nawala anak ko ang dami din nagbago sakin😢 Gusto ko lang lagi mapag isa, Ayaw ko ng may kausap esp ibang tao, ayaw ng maingay. Sa mister ko lang ako open sa lahat ng bagay. Sa kanya lang ako komportable na mag open sa kung ano mang nararamdaman ko sa araw araw naming buhay. Takot kasi ako mag open ng feelings ko sa ibang tao lalo na sa di ko naman ganun kasundo, mapapamilya, kakilala,kapit bahay. what i always think is hindi naman nila maiintindihan kung anong totoong nararamdaman ko kahit magsabi ako sa kanila dahil di naman nila napagdaanan kung anong napagdaanan ko sa pagkawala ng anak ko. Sobrang sakit at hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin lahat labanan yung lungkot at pighati na pinagdadanan ko hanggang ngayon. kahit mag iisang taon na sa june na wala ang anak ko. Ayaw ko sumandal sa ibang tao pagdating sa ganitong mga bagay. Maari ang iba sa inyo magpapayo na libangin ko ang sarili ko. Pero for me its my way and my choice to heal alone. Ayaw ko kasi ng nang iistorbo ako ng ibang tao para lang malabas ko lahat ng lungkot ko. What i do more is to talk with god. Everytime na namimiss ko anak ko, Kinakausap ko palagi si lord dahil sya lang din makakasagot at makakapag pahilom ng sugat na meron ako sa puso ko. Malaki ang pasasalamat ko sa diyos dahil kahit maaga nya kinuha ang anak ko, Biniyayaan nya naman kami ulit ng bagong magpapasaya sa buhay namin mag asawa. Im currently 8 mos preggy na po turning 9 mos na next week. Siguro kung hindi dahil sa baby na to matagal na din ako sumuko sa buhay ko sa sobrang lungkot at sakit ng pinagdaanan ko sa pagkawala ng panganay ko. Btw 1 year and 10mos lang po ang 1st baby ko nung namatay sya. As of now still grievieng pa din kami mag asawa pero kaya na namin ihandle ung lungkot. At looking forward kami para sa paglabas ng aming new blessing. Alam ko na anak ko din to ibinalik lang ni lord. Kaya kahit mahirap uusad kami at patuloy na magpapatuloy sa hamon at agos ng buhay para sa panibagong biyayang makakasama namin ulit❤️. Salamat po sa pagbabasa.
❤️❤️❤️