Last thursday pinacheckup ko 9month old baby ko..need daw cbc so nagpakuha kami ng dugo...dahil malikot sya binalot sya ng kumot tapos hawak sya ng apat na tao including kami ng asawa ko...tinusok na sya ng karayom sa braso pero dahil malikot daw hindi mahanap ng nurse yung ugat nya, so ang ginawa nung nurse inikot ikot yung karayom..dun nagwala ng husto baby ko pero wala naman nakuhang dugo sa kanya...sa sobrang inis ko sinabihan ko yung nurse kung pwede tama na kasi kawawa naman baby ko..sabi ng nurse pahinga muna baby at padedehin pero dahil sa sobrang nasaktan sya hanggang sa labas nagwawala...maya maya tinawag uli kami nung nurse..sabi ko sa kanya ang sakit ng ginawa nya sa baby ko..sabi nya hindi daw yun masakit..tapos nung uulitin na nya,may osang nurse na pumasok..sya na lang daw kukuha..thankful naman ako kasi isang turok nya lang nakuhaan nya ng dugo ang baby ko.pero galit na galit si baby at feeling ko natrauma sya...kasi after ng incident na yun lagi na lang nagwawala baby ko kahit walang dahilan..help naman po ano ba dapat kong gawin?thanks and God bless
Canimo