I feel you, napakasakit mawalan ng anak especially kapag pinaghandaan mo ng husto at di mo ineexpect na may mangyayari sa kanya, ang sakit sakit sa kalooban na after mong manganak hindi mo man lang mahawakan anak mo dahil deretcho na kagad sa NICU,pagkatapos everytime na tatawag ang nurse yung dibdib mo tola kinakabog sa nerbyos if ano ba ang nangyayari sa anak mo if may progress ba o mas nagiging worse yung lagay nya.. yung tipo na gustong gusto mo syang ipaghele at yakapin para maramdaman nya yung comfort mo bilang isang ina lalo na at hirap na hirap sya sa paghinga, ang sakit isipin na more than 20 minutes ko lang nayakap at naipaghele ang anak kong hirap na hirap and then after nung makikita mo na nirerevive na lang sya, makikita mo paanong hirap na hirap sya sa tubo na nakalagay sa kanya na tila sya lantang gulay na lang na hnd umiiyak at nakahiga lang..tapos ibibigay sya sayo na wala ng buhay.. Yung ang tagal tagal mo na inantay na lumabas sya na halos lahat nakabasta na for her sya na lang kulang, na wala kang kaalam alam na paglabas nya may sakit pala sya. Hnd ko na mainda yung sakit ng tahi ko kundi yung sakit ng puso ko na tila ba dinidurog habang pinagmamasdan ko yung katawan nya na wala ng buhay..
Gliceria Marella Leal Constantino
Dec. 4-Dec. 6,2020
I love you my little fighter you will always be in our hearts
Lynie Mhae Constantino Marcelo