RANT ABOUT PRIORITY LANES/SEATS LOGO

Last day, nakapila ako sa priority lane ng isang grocery store, lahat ng nauna sakin puro buntis and i am the 3rd (last) in line. Napansin ko na medyo nagiging crowded na ang cashier, dumadami at humahaba na ang pila sa ibang lane, so kapansin pansin na maikli ang pila sa priority lane kaya nagsi pila sa likod ko ang mga makakapal na mukha na abled-person even though naka paskil na sa harap ng counter that the lane is for priority persons only, bulag-bulagan ang hinayupak. Napansin yun ng kahera and she kept on saying politely "para lang po sa buntis, senior at pwd ito". Take note, paulit ulit nya nang sinasabi yan pero yung ale na nasa likod ko and the rest na nakapila, dedma lang. I somehow noticed a pregnant lady at the end of the line kaya bago ako matapos sa cashier, sinabihan ko yung kahera, "miss, may buntis na nakapila sa dulo, unahin mo yun." i heard na lang na tinawag sya ng kahera (kudos sayo ate). Nung hindi pa ako buntis, i honestly avoid using the priority seats when riding a bus or the priority lanes in the cashier. Para sakin, nakaka hiyang gumamit ng privilege na hindi ko naman deserve at naiinis ako everytime na nakakakita ako ng ibang capable na tao na sinasamamtala ang mga priority lanes/seats. Now that im pregnant, i am boldly using that privilege and sobrang thankful ako dhil malaking tulong at kaginhawaan to para sa mga buntis na tulad ko especially now that my tummy is bulging and my body is getting heavier that even standing for a longer time tires me. Its just sad that other people aren't considerate enough, or maybe they're just too stupid that they can't even follow a simple rule or courtesy. Afterall, lahat naman tayo makakagamit ng privilege na yun pag nagsipag tanda na tayo, lalaki man o babae. ?‍♀️ Watya think mga momsh?

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan