42 Các câu trả lời
Habang binabasa ko nawawalan ako ng hininga, .. Ahahaha Anyway, ako nga kahit buntis di ako pumipila sa priority ey.. Nakakadala kasi, sa first baby ko sa priority ako pinasakay ng guard ng MRT and the senior citizen guy, insisted na tumayo daw ako at paupuin ko yung babaeng senior din, so sabi ng kapatid wag ka tumayo ate, then paulit ulit na naman yung matandang lalake, wala daw kame karapatan umupo dun kasi di daw kame senior. Umiral kamalditahan ni sisteret, nasagot niya si matandang guy na buntis po ate ko kaya dito siya pinaupo ng guard (nakatayo kapatid ko ah) dapat ho kayu magbigay ng seat sa sa ale since kayu naman ang guy. Ayun natahimik si lolo. Kaya minsan nakakainis ang mga senior, parang ang gusto nilang mangyare sila lang makikinabang sa mga ganyang bagay. 😅
Sa ACE Hardware nung buntis ako di namin alam ng anak ko na sale haba ng pila e may kailangan kaming bilhing battery para sa toy nya. Sus wala ding priority lane. Yung mga senior parinig na din ng parinig na dapat mauna sila. Tinanong ko pa sa guard kung bakit wala silang priority lane kasi hirap na ako pumila kabwanan ko na nun laki laki ng tyan ko. Saka palang nila inayos at syempre may mga naunang senior mejo madami na din so nasa may bandang likod padin ako. Buti naawa sa laki ng tyan ko yung mga oldies pinauna nila ako. Sobrang bait nila.😊 and also sa isang supermarket dito sa laguna may priority lane wala namang cashier! Sobrang badtrip ko. Ang hirap matagal nakatayo kaya pag malaki ang tyan haaays..
May mga tao talaga na makakapal din fes tska mga hindi makaramdam. May nexperience naman ako sa banko, napaka daming tao tapos wala akong maupuan. Hindi naman sa nag iinarte ako..pero parang nakakainis na halata na nun yung bump ko pero walang nag ooffer ng seat sa akin. Nangawit na ako kakatayo, masakit na sa balakang pero tahimik lang ako. 😔 Tapos may senior citizen na nag alok ng upuan sa akin, siguro nakita nya ang tagal kong nakatayo. Pinagalitan pa nung senior yung nga nakaupo malapit sa kinatatayuan ko. Minsan yung tutulong sayo, yun din yung may pangangailangan, tapos yung merong kakayanan, yun pa yung walang pakialam.
Oo nga e. Pero ang dami kasing tao nung araw na yun .may mga senior at buntis dn na nag aantay..bagal pa proseso ng banko kaya nakakainis lalo haha. Ok lang mag antay ng medyo matagal, pero sana yung mga customer hindi nahihirapan..pampabawas inip kasi yun.
Ako isang beses lang ako nainis about sa priority lane. Dyan sa Robinsons Pioneer sa dept store. Wala silang priority lane so ang ginawa ko, hindi ako pumila sa napakahabang pila since may baby naman ako. Dun ako sa gilid nag antay. Triny kong ibigay sa cashier yung items. Pero inignore ako. So pinalagpas ko. After mga 3 tao na, sabi ko ulit "miss" sabay bigay ng item. Tapos sabi nya, maam dun po ang pila sabi nung bagger. Tapos sabi ko, ay wala kayong priority dito? Eh baby ko iyak na ng iyak. Ang shunga, tinanong pa yung isang kasama kung priority ba daw ang may bata. Hindi umimik yung cashier. At kinuha items ko.😑
Mga wala p yata silang anak kaya di pa nila ma feel yung sinasabi mo sis.. Tsk
Ako naman may scenario na pumila ako sa Jollibee breaktime ko nun sa work, gutom na gutom nako nun. Tapos ang haba ng pila so I decided na sa priority since buntis nman ako. Then hinarang ako nung guard ang sabi for sc daw ang lane, then sabi ko buntis ako. Di pa masyado halata yung tiyan ko. May naririnig ako sa mga likod na eh bakit sya pumila? Buntis daw baka sumakit ang tiyan ang sabi ba naman. I felt na discriminate ako na kelangan ba malaki agad yung tiyan proof na preggy? Ewan ko lang kung oa ako mag isip dahil sa gutom. Maramdamin pako that time. Hinayaan ko nalang sila.
Kaya sinabihan ako ng hubby ko na privilage natin yun, magsabi ako na buntis pag pipila ako. Kasi pati sa tric e hndi ako nappriority laging sa tabi nalang ang sinasabi. Nkkainis lang talaga mga ganyan.
Hay naku nakaexperience po ako momsh, sumakay ng bus pero dun ako sa puwetan ng bus kasi wala ng bakante , di man lang inofer ng driver o conductor ang priority seats .. hinayaan ko nalang , after kong makapamili sa mall , umuwi ako saamin sumakay ulit ng bus and then same bus parin na nasakyan ko , ang sabi banamm sakin ng bus driver, naku mam sa likod kananamn, tapos sabi ko, kuya di po ba pedeng ako nalang uupo sa priority seats.. kesa namn maalog ung baby ko salikod.. nilakasan ko tlga para rinig hanggang likod , nakakainis din minsan pati driver di alam ang priority seats :(
Kaya nga mam, di ko na tlga naisip un, kasi napagud ako sa kapamili ng gamit ni baby, hayst pero if ever makakasakay ako ulit dun, maalala ko pa ung driver, nakalimutan kong alamin ung plate num :(
ako, nung 2 to 5 mos palang tiyan ko di ako pumipila sa priority lane since dipa masyado halata ang tummy ko feeling ko kasi mas may nangangailangan pa dun at as long as kaya kopa nmn pumila okay lang.,, nung lumaki na tiyan ko gumagamit naku ng priority lane pero once na may nakasunod saking matanda pinapauna ko sila ,,.. hahaha at the end habang may subrang tanda pa na kasunod ko is pinapauna ko tlaga so aending is parang di rin ako nkapila sa priority lane.. naaawa kasi ako sa mga matatanda nkatayo pa tas ako kaya kopa naman so bigayan lang tayo
ganun talaga moms.,,, hanggat pwedi diba yung iba kasi mga kupal di nmn buntis at pwd or senior pumipila padin sa priority lane.,, parang nag wish pa sila to have that condition haist
Nakaka inis minsan kapag PWD, senior citizen lang ang naka paskil. May guard na shunga. Pag tinanong mo sila lagi ang sagot hindi kasali buntis, so sa regular line kami pumipila pero pag sa cashier mo na mismo tinanong, kasali daw. Nangyari pa to sa cinema na napaka haba ng pila! Pinapipila kaya nila ng ganun asawa nila? Kainis. 2x namin na experience so simula nun di na kami nagtatanong pinipilahan nalang namin or umuuna nalang kami pati sa taxi lane. Kapalan nalang ng mukha haha lalo kapag pagod na talaga ako.. Bahala sila!
Truelala , nakakainis .. Pumila din ako sa van pauwi na sabi ng lalake buntis po sabi ko oo , tas yung nasa unahang babae sabihin ba nmn butis daw . Kilalaki na ng tyan ko 6months . Ako nga pag may mga priority okau lang sakin mauna kc someday , magiging ganyan din ako .. Gusto ko sana itapun sa mukha nya mga pinamili kung gamit para sa baby ko at ung ultrasound na daladala ko .. Kaso ayoko ma stress , madali pa nmn uminit ulo ko .. Nakakainis mga ganyang tao .
Minsan lang din ako magpriority lane, kapag madami talaga tao at pagod ako, saka ko lang tinatake ung privilage. Minsan nga natatawa nalang ako kasi may priority lane for example, tapos may mga bagong dating na buntis at matanda, diretso sa unahan to think na nakitang buntis at matatanda din nkaapila kasi nga priority lane nga un.Magkakatinginan nalang kami ng mga kasama ko sa pila... 😂😂😂... Di nalang papansinin para walang away..
Meljane Baculi Bucala