Feeding bottles sa hospital
Lahat po ba ng hospitals bawal ang feeding bottles? Plano ko po kasi magdala ng bottles if ever na wala pa po akong gatas agad. If ever po na pwede, ilang bottles po need dalhin? TIA
alam ko bawal pero don't stress out about milk supply.. bago ka manganak uminom ka ng maraming sabaw, tapos try mo rin magbreast pump minsan minsan lang, tapos kahit pag nanganak ka na tapos parang wala pa rin, hayaan mo si baby maglatch kasi sya makakapagpalabas ng milk... actually sa ospital na pinagpaanakan ko, finoformula ung baby pag kulang sa milk ang nanay. inilaban ko tlga na ayoko ng formula. bumaba kasi timbang nya nung 2nd day. sabi ko we will try again and check tomorrow. ayun nagkamilk na ko. pero sa nursery pinainom tlga nila mg formula (gave birth in a govt hospital in Bangkok)
Đọc thêmMagkakamilk ka agad nyan mommy, if wla ka pa milk dala ka nlng Ng Brest pump if d pa ibigay sayo baby mo, kahit isang bottle lang nmn pra sure , sakin Kasi ilang araw d ko nakita baby ko pero mga 1day after ko manganak nag ka milk n ako pero Sabi nila kahit dipa nila ibigay sayo may mga milk nmn daw na galing sa mommy na nanganak din Ang pinapadede nila. . . Pero malalaman mo nmn n my milk k na pag matigas na breast mo at irequest mo na papadedeen mo na sya.. or if ever padala mo nlng sa nagbabantay sayo na d nakalagay sa hospital bag nyo ni baby if bawal tlga
Đọc thêmNkaprvate din po kmi nung nanganak aq.pingbbwal po nla ang mag pafeed kay baby sa bottle unless si baby may reason pra mag bottle..pero kc sobrang gutom n cgro n baby nun dhil kht anung padedeq sknya feelq wla siang nadedede kaya nung night bfre lbas namin no choice nq kndi ifeed s baby ng bottle ng d alam ng pedia nia😂 pero now breastfeed nako😂isinantabi kna ung formula n baby..ngtake aq ng natalac malunggay cpsule pra mgkagatas at ngaun meron namn 😂..
Đọc thêmMommy wag ka magdala, dahil bawal naman talaga yon. Atsaka may lalabas na milk sayo kahit ano mangyari. Kaya nga pinupush nila ang skin to skin contact at breastfeeding. Ako noon walang wala nalabas na milk sakin nung buntis ako, pero tyagaan sa pagpapalatch sa ospital kahit madaling araw pinagpapasuso nila ako. Sapat lang naman ang kailangan na milk ng baby sa mga unang linggo. Pls push breastfeeding.
Đọc thêmask the hospital muna kung san ka manganganak. sila ang best na makakasagot para alam mo na yung ipapack mo. personally, i would promote skin to skin breast feeding. ask din if allowed mag bring ng breast shells or breast pumps na. if pwede pumps peronno bottles, store sa milk storage bags like sa sunmum then use yung small cup for medicine for cup feeding nung na collect mong milk.
Đọc thêmiwasan pong gayahin at ipromote ang bawal. pag hndi pwede, wag ng magpuslit pa. ilang araw lang nman kayo sa ospital. hndi nman po hahayaang magutom at wlang madede ang bata. pag wla talagang lumalabas sayo, mga dr or nurse po yang nakapaligid sayo, alam nila gagawin. lahat ng ospital pati lying-in bawal ang bote kasi batas ng pinas ang magpromote ng breastfeeding.
Đọc thêmItago mo nalang mamsh kasi may hospital na di allowed magdala. Nagdala ako nyan nung na CS ako just incase pero pinilit ako mag breastfeed kasi may gatas naman kaso inverted ang nipples ko kaya hirap din si baby makakuha ng gatas. So nung pauwi na kame, dun ko nalang sa sasakyan pinagdede sa bote kasi gutom na talaga sya.
Đọc thêmhindi nmn nila e check yung bag mo sis.... magdala ka lng pero careful lng hindi nila makita yan..... baka kc abutin pa ilang araw ang milk mo.... ako nga nagdala ako noon eh baka wala akong milk pero nagka milk nmn ako agad pag labas ni baby.... lagi ka inum ng water, anmum milk also, mga gulay, buko juice
Đọc thêmparang sinisita lng ata momsh.......mahal kaya ang bottle pag kukunin nila 😅
Most hospitals private or public kahit lying in bawal. Pipilitin ka talaga mag BF. Wag ka mag alala kasi up to 2 days as per OBs kahit di makadede ang baby may enough siñang baon sa tummy na food mula pa nung nasa tyan mo sya. 😊
Sa private hospital po bawal. Di rin ako pinagdala ng OB ko before. Tuturuan ka naman po nila ng proper way. Di naman po talaga lalabas agad yun. Basta unli latch lang po.