Feeding bottles sa hospital
Lahat po ba ng hospitals bawal ang feeding bottles? Plano ko po kasi magdala ng bottles if ever na wala pa po akong gatas agad. If ever po na pwede, ilang bottles po need dalhin? TIA
Huwag lang ipakita. Prep mo lng kasi pag ala talaga milk na lalabas para nmn di magutom si baby. Siguraduhin lang na madede niya ang kulay dilaw na milk sa breast mo sis
sis mapa'private or public bawal po tlaga may law po kc nun.. talagang pinupursue nila na makapagpa breastfeed tayong mga nanay lalo nat pagkapanganak plng..
Di naman nila chinicheck ang bag mo.. Pwede kana mag dala kahit isa lang. Yung 4oz na bote lng para maliit. Drink ka lang ng Natalac gagatas ka rin sis.
Depende sa hospital momsh! Sa akin naman di pinagbawal sila pa nagsabi na bumili kasi wala talaga ako milk hanggang 3 days kesa naman magutom daw si baby
Pag public hospital bawal talaga. Pagagalitan ka pag nakita kang may dalang bottle. Pero pag private ok lang lalo na pag wala ka pang gatas.
Pwede naman mommy sa private ah pag public bawal po strictly breastfeeding, sa private (like sa ospital samin) di ako pinilit magkagatas e.
sa ospital na pag-aanakan ko bawal..super strict sila na dapat sayo magla-latch si baby..bawal din magdala kapag magpapacheck up sa opd..
magdala po kayo ng dalawang feeding bottle mommy. Hindi po lahat ng hospital bawal magdala ng feeding bottle. Paniguraduhan lang po.
Ang alam ko po sa public hospitals po bawal yun since pino-promote ng DOH ang breastfeeding and skin to skin contact between mother and baby.
Sa private, cup feeding ata inaallow. Baby ko nun cup feeding siya sa first 24 hrs kasi cs ako di pa ako pwede mag tagilid or umupo.