Postpartum depression po ba?

Laging galit? At stress? Ftm po ako. Bukod po kami kaya ako lang madalas mag alaga kay baby🥹

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Naranasan ko to ng mga bata pa mga anak ko. Mahira mag-isa mag alaga sa bata pero kinaya ko. Lagi kasi malayo ang trabaho ng asawa ko. Minsan 3 months bago makauwi. Nandyan yung halos 3 hours lang tulog mo kasi ginagawa mo sa gabi yung di mo magawa pag gising yung baby. Lalo yung bunso ko sobrang lambing, lagi nagigising. Lagi ko na lang ginagawa magdasal, huminga malalim, minsan iniiyak ko na lang tsaka nagsasabi ako sa asawa ko through phone. Sinasabi niya na wag daw ako masyado mag-isip, ipahinga ko kapag nakatulog bata umidlip.. Yung gawaing bahay ipagpaliban ko muna. Pag makatulog na ako at pag gising doon na lang gumawa. Gustuhin man niya na makatulong sa akin malayo naman siya.. Kaya pinapagaan na lng niya loob ko. Better to talk to your husband. Tell him na ganun. As of now nakalagpas na ako sa ganun kasi malalaki na mga anak ko. Dalaga at binata na. Nag aalaga na lang ako ng 5 yrs old na pamangkin.

Đọc thêm

Kasama na po kasi talaga ang stress araw araw lalo na't ftm syempre nangangapa pa tayo tapos wala kang help. Ang galing mo nga po at kinakaya mo, hands on ka sa baby mo! 💞 Buti na lang at may mga network na ganito noh, maiintindihan natin mga mommies ang isa't isa at walang nagjujudge. 💞 Be kind to yourself momsh, kung wala ka na control sa mga bagay bagay, let it go, wag mo na isipin kasi nagdudulot lang ito ng stress. Syempre pag stress madali tayo magalit kasi irritable yung feeling. Basta wag kana magisip ng mga bagay na di naman importante sayo, o sa pamilya mo. Enjoyin mo lang pagaalaga kay baby, oo may times na mahirap talaga lalo na pag nagigising tayo at antok pa.Hindi naman ganyan si baby forever, mabilis ang panahon, hindi naten mababalik yung moments na puyat tayo sa pagaalaga. Ingat mommsh

Đọc thêm
Thành viên VIP

Always take care of yourself. Get a good sleep. Baka pwede magreach out ka sa parents nyo if pwede naman just for you to get some rest. You also need to learn to calm down. If merong mga gawaing bahay na pwede mo munang ipause let be it. Priority nyo muna rest mo and si baby.

ilang months na si baby mo mi? pwedeng ganun nga po. lalo if lack of sleep ka, mas tataas ang possibility na maging magagalitin at magkaroon ng hormonal changes.

9mo trước

10mos po mii, nakka6-5hrs naman sleep ko mii ayun lang paputol putol kasi iyakin si baby ko sa madaling araw, gusto niya lagi ihele..

Totoo po yung postpartum depression pero hope ko po na stay healthy and stay strong ka po mhiee you're doing great sa pagaalaga kay baby

9mo trước

Thank you mii 🥰

Thành viên VIP

yes mii. pray lang lagi. wag magpaka stress