Lagi na lang akong stress. Nagpapa breastfeed pa man din ako. Nakikitira kasi ako sa biyenan ko, kasama ng mga anak nila. Tuwing umaga lagi na lang akong naiiwanan ng tambak ng hugasin, may mga labahin pa ako, ang lamesang pinagkainan hindi man lang mapunasan. May anak pa akong 6 months old na iyakin, gusto lagi akong kasama. May naiiwan akong kasama ung 11 years old nilang bunso, hindi kayang bantayan ng matagal ang pamangkin niya kasi lagi cellphone ng cellphone. Di nila kayang patahanin. Ngayong magbabalik eskwela po ako, tuwing Sat-sun, paano na lang ang anak ko kung ganito ang sistema? Hindi na ako healthy, di na ako masaya, lagi na lang akong stress. Nababawasan na output ng breast milk ko.
Christine Maluto