Lagi kameng nagtatalo ng asawa ko kung dapat bang electric fan-an/aircon-an un baby namen o hindi. Haay. Btw, 2 mos na si baby pero mula umpisa hanggang ngayon, nag aaway kame kung malamig ba o mainit kwarto. Ayaw nya kasi mag electric fan though sabi ng pedia naman ni baby, pwede naman mag electric fan wag lang tutok. Kahit feeling ko sobrang init na talaga, nililihis nya un electric fan. Minsan nag aircon kame, pinagalitan pa ko. Hindi nya makuha point ko na pag pinagpawisan un bata at natuyuan, lalong magkakasakit. Ngayon may sipon si baby, ako sinisisi kasi nag aircon kame kahit once lang gamitin. Di ko tuloy alam gagawin ko. Lalo na sinabi ng nanay nya din un. E iba naman ang klima sa probinsya sa manila. Talagang malamig dun lalo na sa gabi e dito sa manila, bukod sa kulob na ang mga bahay, polluted pa ? Mamshies, ano ba talaga need ko gawin? Haay.
Thrystyn Escano