GROWTH SPURT

LAGI BANG UMIIYAK ANG ANAK MO AT GUSTO AY LAGI LANG SUMUSUSO AT NAKAKARGA? KUNG OO, PAKIBASA ITO. "GROWTH SPURT O DEVELOPMENTAL SPURT" Ang growth spurt ay yugto kung saan ang isang sanggol ay mas madalas sumuso sa kanyang ina (singdalas ng kada oras) at madalas ay iyakin at gustong laging nakakarga. Madalas, sa panahong ito, nakakaramdam ang ina na parang hindi nabubusog ang kanyang anak dahil panay panay ang pagsuso nito. Sa mga exclusively breastfed babies, lumalakas ang kanilang pagsuso sa mga unang linggo pagkatapos maisilang at nagiging halos parehas na sa loob ng isa o hanggang anim na buwan. Kapag nagsimula nang kumain ang sanggol, unti unti ay mababawasan na ang kanyang pagsuso. Ang madalas na pagsuso ay maaari ring pagdaanan ng isang sanggol sa tuwing mayroon siyang bagong "milestone" katulad halimbawa ng pagdapa, paggapang, paglakad, at pagsasalita. Kailan ba nagkakaroon ng growth spurt ang isang bata? ● 7-10 araw pagkasilang ● 2-3 linggo ● 4-6 linggo ● 3 buwan ● 4 buwan ● 6 buwan ● 9 buwan Ang panahon na maaaring magkaroon ng growth spurt ay iba iba sa bawat bata. Ano ang maaaring gawin kapag may growth spurt ang bata? Sa panahong ito, kailangan mong ibigay ang gusto ng bata. Pasusuhin siya nang pasusuhin dahil ito ay panahon din upang ang supply ng iyong gatas ay lumakas. Laging tatandaan na ang paglakas ng gatas ay nakabase sa LAW OF SUPPLY AND DEMAND. Mas malakas sumuso ang bata, mas dadami ang iyong gatas. Pakiramdaman din ang iyong katawan, inay. Dahil sa panahong ito, maaaring mas makaramdam ka ng gutom at uhaw kaya kumain at uminom ng tubig nang madalas. Ang growth spurt ay lumilipas din. Ito ay tumatagal ng 2 hanggang 3 araw at kung minsan naman ay isang linggo o mahigit pa. Kung ang iyong anak ay nagiging iritable at madalas sumuso, isaalang-alang ang growth spurt ngunit huwag ding ipagsawalang-bahala ang iba pang posibilidad katulad halimbawa ng kabag o di kaya naman ay kung may iba pang di pangkaraniwang sintomas na nakikita sa bata. Kung sa tingin mo ay hindi lang growth spurt ang nararanasan ng iyong anak, mas mainam pa rin na kumonsulta sa doktor. Sundin ang iyong "instinct" bilang isang ina. (Inspired by the article of kellymom.com)

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan