36 Các câu trả lời

VIP Member

Mahirap situation mo momsh, pero ikaw ang nanay, ikaw ang mas may karapatan sa anak mo. Kausapin mo na lang ulit mom mo, magpasalamat ka sa tulong na ginawa niya nung nanganak ka at sabihin mo din na sana hayaan ka niya maging ina sa anak mo, assure din siya na hindi mo naman ilalayo ang apo niya. Mas ok ang nakabukod momsh, mas mapapatibay kayo ng bf mo as a couple and as parents sa anak ninyo. God bless!

mommy kung ako ang yong magulang hindi talaga ako papayag na bubukod ka. bakit? isipin mo bf mo pa lang siya he is not ur husband. kung mamaltratuhin ka nya don. kung hindi ka nya mapapakain. isipin mo kung gaano kita kamahal simula ng pinanganak kita. ayon ang point ko mahal na mahal ka ng mommy mo. as in. super.... relate ako kasi me anak na kong dalawang dalaga edad 20 at 19 kaso they continue their study.

Ayaw ng mommy mo kase ndi nmn kayo stable financially alam ng mommy mo kung ano ang gastos sa pagpapalaki ng bata ndi lang yon ung hirap din and sbi mo magwowork ka din so sino magaalaga sa bata ? Kung ako sayo jan ka muna kay mommy mo magipon kayong dlwa magbf . Pag nakita ng mommy mo na kaya nyo ng bumuhay ng baby papakawalan na kayo nyan . or better move in nlng si bf mo tiis tiis muna pakisama lng yan .

For me parang di po siya pag control mommy, siguro she just want to help you both of you kasi baka po nakikita niya na nahihirapan kayo willing naman po kasi siya na patirahin si bf sainyo yun lang siympre di niyo nalang talaga magagawa yung kung ano na yung nakasanayan niyo pero for the mean time makakatulong naman po si mommy sainyo while nagiipon po kayo.😊 goodluck po.

Hi sis. Since di pa kayo stable financially. I would suggest for you to stay sa Mommy mo. Maybe one of the reason why she doesnt like the idea is because indi sya panatag na matutustusan na pangangailangan ng anak mo. Think of your baby's welfare muna sis. Based your decision sa ikabubuti nya. Indi kung ano makabubuti sa inyo ni boyfie. 😊

VIP Member

I don't think your mom's controlling you po. I just see how she's concern with u and ur baby. If nasa legal age, I don't think na may mali bumukod as long as syempre dapat since may baby na dapat ma cater nyo needs ni baby at everyday life. Pwede nyo naman visit si mommy or sya mag visit senio from time to time.

I think shes just concerned with your capacity to finance the needs of your family. Sayo na rin mismo nanggaling na di pa kayo financially stable. Pagisipan niyo nang maigi yan because magastos bumukod although thats the most ideal setup para sarili niyong diskarte yung pagpapalaki kay baby.

Naiintindihan ko ang mommy mo. Bakit ka pipisan sa boyfriend mo lang kahit na ba may anak na kayo. Ikaw na rin pati ang nagsabi na hindi pa kayo financially stable. Napagusapan nyo na ba ang kasal? May balak ba sya? Wag ka ulit magpadalos dalos magdesisyon. This time po makinig ka sa mother mo.

Ah may work pala si bf mo, bat hindi financially stable if i may ask ano ba work nia po?

You are lucky mumsh your mom is there for you unlike others. Mabuti pa pag ipunin mo muna ang bf mo at huwag muna kayo bumikod not until kaya niyo na bigyan ng magandang buhay ang anak niyo. Do it for your baby and for your mom's sacrifice na palakihin ka.

Naiintindihan ko kayo parehas ng mama mo. Tama naman na bumukod kayo para makagalaw kayo ng gusto nyo as a new family. Pero kasi as a mother, nag aalala din yun sayo esp sa apo nya since kawawa kayo and lalo ung apo nya dahil sabi mo nga kapos kayo.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan