Ganito din ba OB-Gyne niyo?

Kwento ko lang yung OB ko. Kapag mag papacheck-up ka dapat maaga ka tumawag or magtxt sa secretary niya para di ka mahuli sa pila. Kailangan 1pm nasa clinic ka na. Darating ka na fresh, uuwi kang bilasa. Kasi dadating si Doc ng 5:30 ng hapon malas mo kung panghuli ka kasi 9pm ka na makakauwi. Halos ng kasi ng mga kasabayan mo puro nagpapa Ultrasound. Yung check up mo di tatagal ng 5 minutes kasi mabilisan di mo man lang makausap ng one on one si Doc para magtanong sana kung ano mga bawal at di bawal kainin or gawin. Yung mga laboratory test na ibibigay mo sa kanya di niya binabasa kung di mo itatanong di niya sasabihin kung normal lang ba or hindi. Nagtitiis kami mga pasyente niya kasi siya lang yung OB sa bayan namin na may pang ultrasound kasi yung mga ibang OB wala silang machine pang Ultrasound. Nakakangalay po ang maghintay sa kanya lalo na buntis mga pasyente niya ang sakit sa balakang?

45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Change your OB sis. Para di ka maStress. Baka imbes na mapabuti kau ni baby eh maStress ka sa pagod.

Maigi siguro palitan mona gang maaga pa. Ang ultrasound naman ginagawa di naman lagi un

Thành viên VIP

Iwasan ang stress momsh. Better change na po ng OB kesa mastress po ikaw.

Thành viên VIP

kung public ganito kahirap kung private okey naman mga OB may limit 😊

Kung ako sau sa iba ka ob magpatingin wala pake sa pasyente yan ob mo

Thành viên VIP

Kpag government employee ganyan po tlg although hnd nmn po lahat.

Change ob na momsh nakaka stress po yung ganyan

change ka na ng ob yung maaalagaan ka.

buti ob ko di ganyan...😅😅😅

Oo nga bakit ganun ang mga doctor.