37 Các câu trả lời
No caffeine muna mamsh, pwede ka magkape decaffeinated nalang meron naman mabibili nun kasi kalaban ng folic acid ang caffeine hindi maa-absorb ng katawan ang folic acid which is need ni baby. Possible maging anemic an nanay and si baby. Yun ang sabi ng nutritionist ko. Sabi ng ob ko decaffeinated daw talaga kung mahilig sa kape.
I am a black coffee lover. Pero dahil sa takot kong maulit yong nangyari sakin before na nakunan, tiniis kong hindi tumikim. 7mos here. ♥️ Pero ngayon nasa 3rd tri nako, umiinom na ng konte 😁 nakikiinom kay hubby ng isa o dalawang sip, pero 3in1 lang.
Nagcoffee ako nung pregnant ako till now na exclusive breastfeeding ako. Pero limited to 1 cup a day lng and malabnaw pagkakatimpla. Before getting pregnant, ilang beses akong nagkakape sa isang araw at matapang akong magtimpla.
ako mamsh. sobrang hilig sa kape at nag work ako sa coffee shop until mag buntis ako nag moderate na ko sa kape and ayoko na amoy ng freshly brewed na dting gustong gusto ko ang amoy 🤦♀️😂
Ako pinagbabawalan na magkape. Hindi pa naman ako nabubuhay ng walang kape. Haha. Ang iniinom ko ngayon, Anmum na Mocha Latte yung flavor, no caffeine added. Okay na rin, mapagtitiisan. 😂
Okay lang basta 1 cup a day at huwag matapang ang timpla. Pero better kung huwag muna talaga kasi nakaka-apekto sa heart rate ni baby saka nare-retain iyong caffeine sa kanya w/c is masama.
Super coffeeholic here ✋as in sumasakit yung ulo ko pag di nkapag Kape. Pero ngayon hindi na, tinigilan ko talaga pra kay baby. Feeling ko kasi hindi siya helathy kay baby. 👶👶👶
Ako mahilig sa kape... pag d ako nagkakape nuon sa morning bandang lunch groggy nako pero nung nalaman kong preggy ako d muna akl nag coffee pnalitan ko ng milk... nakakasabik... hehe
Ako since coffee drinker ako before pregnancy, umiinom pa rin ako pero 1 cup a day na lang. Okay lang na naman sabi ng ob ko :)
advice saken ng OB ko pwede naman daw po pero 1 cup a day lang pero hangga't kaya mas mabuting maternal milk po talaga.