98 Các câu trả lời
Nagpacheck up ako sa OB kung bakit 4 months na kong di dinadatnan eh lagi naman negative yung resulta sa PT (Irregular po yung mens cycle ko) Pero bago ako kumunsulta sa OB ko pinagppray ko sana baby na kesa naman sakit. Nung pinag PT ako sa clinic nila, medyo kinakabahan pa ko, tas nung nakita ko pagpatak ng midwife ng urine sample ko, nag 2 lines kaya super happy namin ng lip ko.. 5 weeks pregnant palang ako nung time na yun base sa Trans V na ginawa sakin. Kinakabahan at the same time excited kasi magkaka baby na ko. Answered prayers talaga 😊🤗
Happy and worried Happy dahil okay ang baby ko at 9 weeks even though nag spotting ako.. Worried kasi baka makunan ako dahil may ovarian new growth ako/ovarian cyst na 7 inches ang laki na nakiki agaw sa pwesto ni baby.. Need ko daw mag undergo ng operation at 14-16 weeks but nag rupture yung cyst ko ng 13 weeks pa lang kaya sobrang laking chance na makunan ako/mawala baby ko.. Pero pray and kinakausap ko lang baby ko na kapit siya sakin na love na love namin siya.. Thank God, I am at 27-28 weeks now 😇😍🙏❤
after 15 years nbuntis ulit ako...dalawa ung naging OB ko,ung una Ok n sana kaso when may times n may emergency ako ng bleed n pla ako sa TVS ko is punctual hemorage so sbi phinga and duphaston lng 2x a day,then mdyo dumadami n ung blackbrown n dugo,ngconsult ako s ibang OB sbi nman full bedrest and duphaston 3x a day,but ater an hour snbi na mgpa admit ako pra mkaphinga ako ng mbuti and yun dinan sa dextrose ung mga pampakapit,till now sya na OB ko ung second 5months n Ok nman,#TeamAugust
Okay naman po. Una kinakabahan kasi FTM tsaka grabe pagsusuka at pagkahilo. Madaling araw pa lang nakapila na inabot pa rin ng almost gabi di man lang nacheck up ng maayos laging nilalayasan ng doctor kasi OPD lang kami nun. Kinabukasan lumipat kami sa Clinic. Nakakatuwa nung nakapag trans v and nakita na kung ilang weeks si baby at okay naman siya kahit nalaman ko na may HG ako. And isa pa is mabait yung doctor di mainitin ang ulo
Super bait ng OB ko sa 2nd pregnancy. When I brought up na nakunan na ko before, tinanggal niya ung takot ko na mauulit ung miscarriage. Sabi niya, di naman ibig sabihin makunan nung una palagi na mangyayari. Shr made me feel na magiging okay 2nd pregmancy ko Very concern siya saka always check on me lalo na kung kabwanan ko na. She is very open kapagay tanong ko, she responds sa viber as soon as she finds time.
First check up with OB, mahirap kasi awkward. Kasi 1 year na kaming kasal ni hubby pero kahit anong gawin namin, he cannot get into me kasi first time ko, super tight at close cervix ako.. we did lots of foreplay na wala pa din, so nagpaconsult kami sa OB, same pa din till we searched possible solution sa problema namin online and thank God okay na, we already have a baby.
First check up ko last year 1 week delay ako nun kaya di pa daw makita. Tapos pinag PT nya ako ulit. Tapos, gusto akong ipa transV sa iba kasi walang ganun si OB. Di na ako bumalik dala ng takot ko sa transV plus biglang nagka lockdown. Kung di pa ako nag spotting ayoko sana magpa transV. Ayun, wala na akong choice. Pandemic walang bukas na clinic. buti may nahanap na ob
first check up ko.. di ko pa sure na buntis tlga ako nunt nagpacheck up ko pinakita ko lang ung pt ko na nay dalawang lines. para makasure ako binigyan ako ng papel for referral kung san ako pwede magpa ultrasound at un kinabuksan nagpaultrasound ako just to confirm na buntis nga o hindi ayun buntis nga tlga 😅 35 weeks preggy na me.
Nagpa check -up ako dahil parang bloated ako Unaware that I'm preggo pala. Nakaka tawa kasi 3rd tri na pala noon yung prego period ko. 😂 Tapos nakikipag argue pa ako then sabi spotting lang daw yung mga previous episodes ko. Til nagpa ultrasound kami hindi parin ako naniniwala 😂😂😂
Happy na medyo kinakabahan. Antagal kase namen hinintay na makabuo. Hindi ko makakalimutan yung ngiti ng hubby ko nung naglabas na ng baby book si OB ko and for trans V din ako by Monday (Friday kase ako nagpacheck up nun). And kwela kase OB ko, parang friendship ang datingan. 😁