KEEP YOUR SILENCE (For those moms who were criticized/ridiculed and lost their babies just like me)

Keep your Silence By: Pepay Written on December 18, 2019 Posted on God is my Rock FB Page Noong nakunan ako sa una kong anak, ikalawa at ikatlo; marami na akong narinig na kritisismo at opinyon ng mga kaibigan, kamag-anak at kahit hindi mo kaano-ano ay may nasasabi. Sabi nila, “Okay lang ‘yan.” “Hindi pa kasi para sa inyo ‘yan.” “May darating din sa inyo na ibibigay si Lord. ” “Hindi ka na siguro magkakaanak kasi natabunan ng taba ang matres mo. ” “Si ganito, ganyan, may anak na—kayo kelan? ” At marami pang ibang kung anu-ano ang sinasabi, pero ang pinakamasakit na narinig ko, “Bakit kasi hindi mo iningatan/inalagaan?” Nasasaktan ako tuwing naririnig ko ang mga salitang ito simula pa noong nakunan ako kay Joanni (first baby ko). Sino bang ina ang gustong mamatayan ng anak? Sino bang ina ang hindi iniingatan ang kanyang anak? Sino bang ina ang gustong magkaroon siya ng karamdaman na dahilan para mawala ang bata sa sinapupunan niya? Masakit mawalan ng anak. Bakit hindi niyo na lang ako yakapin kaysa pagsalitaan pa? Ang gusto ko ay `yong nakikinig at dinadamayan ako habang yakap ako kaysa magsalita ng mas ikasasakit ng damdamin ko. Sa mga sandaling tulad nito parang pinatay n'yo na rin ako. Mas gugustuhin ko pang ako ang mamatay kaysa sa mga anak ko. Sa mga dasal ko at pagkadesperada sinasabihan ko si Lord na kapalit ng buhay ko o kalahati ng life span ko ibigay sa mga anak ko at buhayin sila kasi sobrang sakit na talaga. Sabi nga nila hindi mo mapi-please ang lahat ng tao kasi nga may mga pabida—akala mo naman kung sino silang judge sa hukuman kung makapanghusga. Mas mabuti pa ang judge kasi makikinig muna siya bago ka husgahan pero ‘yong iba mas malaki ang bunganga kaysa tainga. Hanggang ngayon na na-received ko na ang milagro sa buhay ko, nasasaktan rin ako para sa mga kaibigan kong hinuhusgahan din ng ibang tao; gayong hindi naman sila maintindihan. Nasasaktan ako para sa kanila kasi naranasan ko. Alam ko kung gaano kasakit—buhay ‘yon, e. Baby ‘yon kahit dugo palang na pumipitik-pitik—anak namin ‘yon. Naramdaman namin. Nakita namin. Minahal namin nang sobra at umasa na iyon na ang bigay ni Lord, kaya lang nawala. Hindi dahil hindi namin iningatan, inalagaan o prinotektahan kundi dahil may karamdaman kami—ako. May Incompetent cervix at diabetes ako. ‘Yong iba naman ay may APAS at immuno-reproductive case; na sana iniintindi ng iba bago sila magsalita. Dati, hindi ako naniniwala sa mga ganyang karamdaman kasi akala ko wala akong gan’on, kasi akala ko normal akong magbuntis pero hindi pala. Kabilang ako sa 1 hanggang 20% na may ganitong case. Noong wala pang awareness sa mga ganito, naghahapuhap pa ako sa mga International groups tungkol sa Incompetent cervix kasi akala ko, ako lang ang pilipino na may ganito. Natatakot ako. Hindi ko alam kung saan at kanino hihingi ng tulong at advice kasi wala akong kasama. Akala ko, ako lang mag-isa. Kaya sobrang nalulungkot ako noon dahil wala akong makausap na makakaintindi sa sitwasyon ko tapos sasabihan pa ako na hindi ko iningatan ang mga anak ko. Kung nabasa niyo na ‘yong “Huwag kang susuko” dito sa page ko, isa sa mga dahilan kung bakit ako suicidal noon ay dahil sa mga taong walang ginawa kundi husgahan at i-down ako. Sasabihan ng kung anu-ano. Hindi ko alam kung ikinaunlad ba nila ‘yon pero sila ang mga nag-udyok sa’kin para kawawain lalo ang sarili ko at manatili sa dilim. Buti na lang hindi ako pinabayaan ni Lord dahil binigyan niya ako ng mga kaibigan, ng maunawaing asawa at pamilya...na sa kabila ng lahat, minamahal, sinusuportahan at pinoprotektahan ako. Nariyan din ang mga magagaling na doktor na nag-alaga sa amin ni Janikkah (My miracle baby). Sa mga sissy ko diyan na pinagsasabihan, pinagsabihan at pinagti-tsismisan din—hayaan niyo lang sila. Sabi nga nila 'ang lata na walang laman ay maingay'. O, 'ang mga taong walang alam ay maingay'. Keep your silence and let your biggest miracle from the Lord speaks for you when His perfect time comes. Keep on hoping. Keep on praying. Keep on claiming. God’s promises never fail. The Lord is good to those whose hope is in him, to the one who seeks him; it is good to wait quietly for the salvation of the Lord- Lamentations 3:25-26

KEEP YOUR SILENCE (For those moms who were criticized/ridiculed and lost their babies just like me)
 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời