28 Các câu trả lời

yes kaya naman po.. if meron man hindi pa alam gawin like paligo ng baby or anything about baby meron naman po tutorials sa mga soc.med. mahirap lang po sa puyat and laba ng damit ni baby.. ang maganda lang sa first month nya tulog lang sya ng tulog pwede mo sya sabayan matulog after sa gawain.. 😊stock up kana din ng food para hindi ka rin mahirapan pamalengke.. gutumin pa naman lalo pag bf si baby.. base yan sa experience ko.. 😊

Mahirap kasi nakikita kong magstraggle ang misis ko.. 7 days lang kasi paternity leave ko kaya ng bumalik na ako sa trabaho sinisikap ko makauwi ng maaga para matulungan ko siya mag alaga.. Sa pagtulog din ang hirap kasi dapat may isang gising na magmomonitor sa 1 month old baby namin. Buti na lang nandiyan ang in-laws ko nakaalalay sa amin kaya medyo gumagaan ang lahat

Sobrang hirap sis. 10 days palang si baby nung bumalik si hubby sa work, iniiyakan ko siya na wag na muna bumalik hahaha. Nakakatawa pero seryoso nakakaiyak. Mahirap na masarap mag alaga ng newborn. Enjoy every moment kasi ang bilis nila lumaki. Thankful din ako sa mother ko na tumulong saken nung bumalik ng work si hubby. Kasi kung wala mother ko hindi ko kakayanin.

kaya sis need mo lang ng time management,pasensya Also u can buy baby carrier pra kahit hnd magpalapag baby mo ke gising or tulog mkakakiloa ka ng ibang gawaing bahay like laba,luto,linis etc. But if may budget ka hanap ka ng kasambahay na on call lang pra in case may sakir baby mo or hnd mo na tlaga kaya may gagawa ng gawaing bahay for u.

TapFluencer

Wala naman mahirap na hindi kakayanin ng isang ina. Basta isang ina, oo mahirap pero sa mga anak lahat kayang gawin gaano pa yan kahirap😊 Pero mahirap talaga as in mas nahirapan ako sa pag aalaga kesa sa panganganak 😅 Kaya mo naman yan, pero if meron ka pwede makasama ask for help grabe nakakaiyak kapag magisa ka lang tapos first time mo pa.

I'm a Mom of 2, Mahirap Mi pero kapag anjan na kakayanin mo lahat para sa anak mo. May time lang na mafe feel mo na parang bibigay kana kase mag isa ka lang kelangan mo pa rin ng kasama sana kung meron lalo na kapag bagong panganak ka mahirap kumilos kilos agad lalo na kung may tahi ka pa.

kakayanin.. mahirap namn po talaga. pero if you have your nanay, kahit malayo sya, pwede mong tawagan, videocall for help kahit sa advice langm yan din gagawin ko pagkapanganak ko kasi. and after ng ML ko back to work na so either sa lolo at lola ko sya iiwan or kukuha ako ng yaya..

madali lang po magalaga newborn kasi kadalasan sila tulog, nagigising lang pag gutom. gusto nila kinakarga sila kasi gusto nila maramdaman na safe sila.(1-3 months) ang mhirap lang po sa baby pag medyo malaki na mabigat, at may mga gusto nang gawin.( 4 1/2,+)

ako mii hindi ko kinaya , si hubby kasi pagod na from work kaya hindi ko narin ginigising pag nakatulog na kaya ending ako yung walang tulog , kaya umuwi muna ako samin para may kapalitan magalaga kay baby cs din kasi ako kaya need magpagaling .

kakayanin, mahirap tlaga mag alaga, pero dpat kayanin para kay baby 😊 may karamay ka pa rin naman myu pagdating ni hubby mo, pwede sya maghelp sayo in other stuff like magluto or maglaba ng dmit ni baby.. 😊😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan