Working Preggy

Kaway kaway sa mga working preggy momsh! 29w6d na ako napasok pa rin sa work kahit tamad na tamad na. Ang bigat na kasi ng tummy ko masakit na rin sa balakang. Work pa rin kasi kailangan parin kumita ng pera hindi kasi kakayanin ni lip kung sya lang mag isa, kailangan magtulungan.. sa ibang working preggy jan? Ilang weeks na kayo at ano na feeling nyo ngayon??

274 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

True! Ako nabed rest na nman for this week. Kasi ng spotting. Cervix admit tip & Preterm Labor. Even though 27 weeks and 4days palang ako pregnant, hope makuha sa pampa kapit pra nxtweek work n uli, hrap eh. Puro n ako deduction, sad to say naubos ang vl and sl ko dhl sa bed rest ko.. 😢 Nanakit balakang, prang nakkurynte, nahilab, nangangawit matagal nakatayo, masakit mga binti at paa, parang nabibigatan sa pempem ganun pakrmdam. EDD ko feb 16 pero baka d na ako umabot ng FEB eh. Sana gabayan tayo lagi ni papa God.. Godbless satin. 🙏🙏🙏

Đọc thêm

Almost 2 months ako binigyan ng LOA sa work dahil sa mga iniinda kong sakit. Nung babalik na sana ako sabi ng bisor ko mag direcho mat leave na ko eh 33weeks palang ako ko non. Medyo nanghinayang ako sa sasahurin ko pa and mga bonuses. Eh ayun wala akong magawa dahil nakakahiya na din super vacation grande ang peg ko tuloy. Buti may ipon kame bago nangyari to.

Đọc thêm

buti pa kayo mga momsh! Stop na ako sa work since 10weeks. Ung sahod ni lip sobrang kulang na kulang. Minsan kulang pa sahod nia sa pambili ko lang ng gamot monthly. Pero kahit papano nkakaraos. Need dn kse mag bedrest. Saludo ako senyo mga momsh! And ang hirap din na preggy tas working, hirap gumising, hirap kumilos. Keep it up mga momsh! Fighting lang! :)

Đọc thêm
5y trước

Hi. Ako bed rest na din. Im 8w6d pa lng na pregnant. Maselan kasi si baby. Ikaw bakit ka naka bed rest? May subchorionic hemmorhhage nga pala ako.

Thành viên VIP

29 weeks na rin ako. ✋ Working din. Hehehe. Thankful nalang sa work at hindi talaga stressful kasi nag dedesign lang ako. At kering keri pang kumayod kasi hindi pa ako masyado nabibigatan kay baby kasi hindi ko pinapalaki masyado. Tsaka mas maganda 'tong ganito momsh, para nakaka lakad tayo regularly. 😍 Mag li-leave ako sa 9th month. 😁

Đọc thêm

ako dapat nagwowork pa kahit buntis, ng sinabi ko sa visor ko pinagresign nila ako. pero ok lang first baby ko naman at hindi ko na kaya pumasok sa work dahil sobra nanakit tyan ko at puson. mabuti na lang kaya ni hubby kht siya muna m magwork. at libre checkup ko at libre vits. ko galing center. at libre lang sa panganganak dito sa amin.

Đọc thêm

30 weeks and 4days still working. Araw araw pako tumatawid ng overpass everyday nkatricycle uwian pa un dagdag mo pa ung malubak na daan dto sa bulacan 😅 3rides papasok sa qc. Nakakatamad na talaga bumiyahe at pumasok. Always nightshift ang init pa matulog sa tanghali. Hays. Tiis tiis lng talaga mga momsh.

Đọc thêm
5y trước

Wow mamsh tagtag kung tagtag pala ang byahe mo daily. Ingat ka lagi mommy

Ako 32wiks preggy na pero work padin ng wrk oo nakkatamad talaga minsan at nakakatulog din minsan sa wrk pero kaya pa nmn kahit masakit na sa paa at balakang hehehe ..basta pray lang na oki lagi si baby mas ok daw kasi na may gingawa kesa wala hehehe pero nakakatamad at ang sarap nalang humiga hahaha

Đọc thêm

28 weeks and 2 days, working pa din. Kaya lang may araw na napapa absent ako lalo na pag nakaramdam ako ng sakit sa mga binti tsaka sa likod. Sabi ko dati ang alwan ng pagbubuntis ko wala kase akong iniinda nung first and second tri pero ngayon third tri na ko nakakaramdam na ko ng masasakit hahaha

27 weeks and still working. Okay naman, before kasi night shift ako nilipat na ko sa morning. Iwas stress na din siguro kasi ang toxic ng kasama ko sa night hehe. Minsan feeling demotivated na ako kaso iniisip ko para kay baby naman yun kayo push lang. Konting tiis na lang yun lagi iniisip ko. 😅

I'm 24 weeks pregnant. And. Yes.. I'm still working padin.. maganda din ksi nag wowork ang isang buntis pra na exercise na din.. unlike pg nsa house.. para mkatulong din pra di mahirapan manganak kaya. Although mahirap lang ksi.. dhil mabigat na si baby sa tummy ko kinakya ko nlang.. heheh..