93 Các câu trả lời
assorted po😂😂😂 depende sa ulam(mood ng papalo) at kung paluin kami dati pakyawan.. 😂 lets start with the simple one, from hanger, patpat, sinturon, walis tambo o buong walis tingting (pag di nahagilap ang tingting,) thick electrical wire (yung malapad na puting electric wire) may time din na walang madampot si tatay kaya yung pusa ang binato samin😂 kawawa si mingming at kawawa kami.. kuko kasi ni mingming ang sumalubong samin😢 most memorable, eh yung pinalo ako ng otsenta sa isang paluan lang.. pag inuulit ang kasalanan, nadodoble sa sunod. kaya umabot kami ng 80. kaya hindi ko na talga inulit.😁 imagine 160 palo na ang jackpot price😲😲😲 note: mabait mo si tatay, hindi po siya namamalo ng walang dahilan.. sadyang firm lang siya sa rules namin. example, pwede gumala kahit saan. ang condition lang, kapag oras ng pagkain, nasa bahay. we always break the rule, kaya no choice kami.. since pakyawan ang palo, nagkapatong patong na ang mga latay namin sa balat.. but despite of that, lumaki po akong makatatay☺️☺️☺️☺️ we are best buddies.. im turning 32, he is 63 now.
ako nman halos lahat ng palo natikman ko na sa nanay ko, nasako, hanger, walistambo, tingting, nabato pa ng itak, na kutsilyo ang bibig, nagupitan ng buhok gamit ung itak, tapos kurot sa hita na tinataas ka, kaya laging kulay talong hita ko nung bata ako🤣 take note 4 kmi mgkakapatid at bunso ako n nagiisang babae😅 sa tatay ko nmn spoiled ako kaya pag wla sya mainit dugo ng nanay ko sakin dahil d porket only 1 dw ako n girl e spoiled ako, kaya minsan khit inaaway pako ng mga kuya ko pag lumaban ako, ako prin papaloin kasi sinu dw tutulong sakin pagdating ng araw kundi sila n mga kuya ko, for now saakin lahat ang problema ng mga kuya ko, lahat ng anak nila pasanin ko😅
lahat na mahawakan ng magulang ko kahit maliit lang na pagkakamali palo agad .. ang tatay ko kung makapalo parang di nya ko anak halos nabalian na ako ng buto magka sugat2x ung pinapalo ka na parang turing sayo ay isang hayop 😭😭 Nanay ko naman ang tamad sa bahay highschool na ako sakin inuutus lahat pagkuha ng tubig nya pag timpla ng gatas ng kapatid all around maid sitwasyon ko sa bahay kunting mali hinahampas ako ng baso sakit matamaan sa ulo😭😭 kaya sabi ko sarili ko diko gagawin sa magiging anak koyan dahil lalo lang sila mawawalan ng respeto .. and now both of my parents are separeted .. dahil narin yan wala silang kwentang magulang
Sinturon and kurot ang tumatak sa isip ko. Ilang beses din un and may times pa na sa harap pa talaga ng classmates ko. First traumatic experience was when I was 6 years old. Naging flower girl ako sa kasal ng auntie ko and syempre since bata pa ako, humihingi ako ng food kasi gutom na ako. Gusto ng dad ko mgantay ako sa reception pero kasi anlayo talaga kaya iyak ako ng iyak kasi dko na kaya ung gutom. Ayun, pinagpapapalo ako sa harap ng mga guests.
Hanger-dahil di ko sinunod si nanay mag kabit ng kulambo walis ting ting-dahil tumakbo ako ng tinatawag nya ako 😅 belt ng sinturon- kasi ayaw ko pumasok sa school (elementary days) walis tambo- kasi sumama ako sa mga kaibigan kong nagbabike tsinelas- madalas nyang madampot kapag nagpapasaway kaming magkakapatid... funny but these things made me more disciplined medyo pasaway kasi ako noon at nakikipagsabayan sa mga trip ng kuya ko 😅😅
Nasubukan kong masuntok, masampal, masipa, hilain gamit buhok ko, mapalo ng walis tambo, hose, mapalo ng arnis, buckle ng sinturon, pakainin ng papanis na kanin. Lalong lalo na yung mga masasakit na salita. Mas masakit yon kesa saktan ka ng pisikal. 😅 Pero never kong gagawin sa magiging anak ko lahat ng napadaanan ko noon. Dahil trauma at walang tiwala sa sarili ang naabot ko hanggang ngayon. 😬
Si papa ko lang namamalo sakin ng sinturon, hanger, tambo hahahaha naalala ko pa naputol sakin yung hawakan ng tambo namin, sabi ng papa ko, ang tibay na daw ng balat ko 🤣🤣 habang lumalaki ako, natuto na ko mag-sidestep (umilag sa palo) kaya lalo syang nagagalit sakin hahaha Pero salamat sa mga palo mo Papa, lumaki ako ng maayos at may disiplina at higit sa lahat may takot at respeto sa magulang 👍🏼☺️🤗
Buckle ng sinturon - paboritong pamalo ni mama. never naman namalo si papa. Na-try ko walis tingting, sanga ng bayabas, hanger, payong - kahit anu yata available nagamit ni mama. Unang sampal ko around 5 years old then naulit nung college. Ganun katindi si mama. Antagal ko nagtanim ng sama ng loob and ayaw na ayaw ko mangyari sa anak ko ang nangyari sakin.
Naalala ko maliban sa sinturon, parang hard bound na libro. Alam ko masakit talaga un pero hindi ko maalala exactly kung anong nangyari after. Pero on thing is for sure, ayoko ma experience ng anak ko ung ganun. Hanggat kaya na daanin ko sa maayos na usapan, un ang gagawin ko instead of resorting to physical contact to discipline the child.
Tangkay ng walis tambo. Palaking lola ako, sya pumalo skn nun. Halos nd ako makaupo ng maayos pagtpos ako paluin. Inawat lng ng lolo ko. Kala nya pinakialaman ko ung listahan nla ng may utang sa knla sa palengke. Pro dhil dun natuto akong sumunod sa payo at saway skn. Natuto akong kumilos sa bhay at nd ako napahiya sa napangasawa ko.
Ann Javier