52 Các câu trả lời
bawal magsama dalawang buntis sa isang bahay,magkakadaigan daw, may isang magbubuwis 3x na nangyari sa family ko kaya naniniwala ako
madami, pero wala naman mawawala kung maniwala man sa pamahiin or hindi eh. kagawian lang talaga ng matatanda un. 😊
Bawal daw po maghukay ang asawa. Pag gising dw ihagis mo yung unan mo papunta sa paa para mabilis ka manganak.
Wag daw magtatahi ang buntis na ibubuhol yung dulo ng sinulid di daw kasi magkakabutas ang puwit ng baby paglabas
Bawal daw tumambay sa may pinto kasi mahirapan lumabas si baby.. Bawal daanan ang mga tali kasi magka cordcoil c baby..
Bawal daw kumain ng talong at puso ng saging kasi daw po pag nag iyak si baby mangingitim daw po
Bawal daw po magpatong ng bimpo or panyo sa balikat kasi bubuhol daw umbilical cord ni baby sa leeg. Hehe
Bawal umupo o tumambay sa hagdan , kasi daw pag nanganak na , maguurong sulong yung baby
Bawal daw maglagay ng towel at magsuot ng kwintas sa leeg kasi pupukupot daw yung pusod kay baby..
Kapag namatay raw ang buwan o sinag ng araw kailangam raw magpa gulgol or magpaligo sa mga biyuda
Erika Deguzman