Pamahiin Sa Buntis

Katuwaan lang! May alam ba kayong mga pamahiin sa buntis?

Pamahiin Sa Buntis
52 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

Madami kasi mapamahiin mom ko at mother in law ko pati na rin ibang friends ko before. Ako naman hindi naniniwala, unless may scientific basis at about science/medicine naman kasi isa sa course ko nung college kaya di ako nagpapaniwala. 1. Bawal lumabas ng gabi ng walang pandong sa ulo dahil lalabas daw na sipunin si baby. 2. Bawal umupo sa pintuan dahil mahihirapan daw manganak. 3. Kapag kinaen daw yung tira ng buntis, o may nakishare sa food nung buntis e aantukin daw yung taong nakishare sa food. 4. Hakbangan mo daw yung asawa mo habang tulog para sakanya malipat yung paglilihi. 5. Bawal daw magsuot ng kwintas dahil may tendency raw na pumulupot yung pusod ni baby sa loob. 6. Maligo raw pag lumindol. 7. Huwag daw maligo sa gabi dahil magkakalamig daw si baby. 8. Kapag blooming daw ang buntis, girl yung baby.

Đọc thêm
5y trước

9. Magsuot ng kulay itim para hindi raw makita ng aswang si baby sa loob. 10. Kapag mag isa daw, isuot daw yung damit na nasuot na ng asawa para hindi maamoy ng aswang. 11. Bago mag alas sais magsaboy ng asin sa labas ng bahay pantaboy sa aswang at mag lagay ng bawang sa pinto at bintana.

Bawal hakbangan ang lalaki... Nanghihina sila... Bawal kainin ng lalaki ang tirang pagkain ng buntis... Inaantok sila.. Bawal pumunta sa may burol, matutulog ang baby mo during labor di siya mag participate sa ere.... Tuwing nakakasapit ng lindol, ang buntis ay dapat maligo sa tubig na may mga bulaklak... Bawal lumabas ang buntis pag may Solar or Lunar Eclipse, namamatay daw ang bata... Lapitin ng aswang ang buntis... Ano pa ba...🤔🤔🤔😂😂😂

Đọc thêm
Super Mom

1. Huwag daw kumain ng talong (kasi daw magiging blue baby si baby) 2. Huwag magsuot ng kwintas kasi magkakacord coil daw si baby (hindi ako nagkwintas.. Pero may cord coil si baby nung pinanganak ko siya) 3. Huwag daw gagalitin si buntis kasi magiging grumpy si baby 4. Huwag daw tatapat sa electric fan kasi magiging sipunin si baby Pero mas marami yung pagkatapos manganak eh😂 hintayin ko na lang yung topic na yun hahaha..

Đọc thêm
5y trước

Duon ka kung saan ka dapat komportable.. Hahaha.. Nung buntis ako.. Naging pawisin atsaka palaging mainit po pakiramdam ko kaya tumatapat ako sa electric fan..

Thành viên VIP

Bawal daw uminom ng malamig na tubig ang buntis! Ayon sa western medicine, wala naman daw medical basis kung bakit masama ang malamig na tubig sabuntis. Pero kung paniniwalaan ang Chinese medicine, mas makakabuti daw sa buntis ang maligamgam na tubig. Read it here: https://ph.theasianparent.com/pamahiin-sa-buntis-bawal-gawin

Đọc thêm

1.Bawal kakain ng nkahiga,dahil pag manganak kna may kambal daw anak mo,(kambal tae😅) 2.kapag naabutan k daw ng eclipse ,dapat pag labor mo,hagisan k ng mga bulaklak s higaan,at ang maghagis ay yung byenan😅 3.kapag ka ang puno ng prutas pinaglihian mo,kylangan mo rin daw iihian pra ndi mamamatay ang puno😆

Đọc thêm
4y trước

Bakit po anung nangyare sa bata?

1.bawal daw maglagay ng towel sa balikat para hindi mahirapan manganak. 2.paggising sa umaga ihagis ang unan sa paanan para madaling manganak. 3.wag isusuot ang damit ng asawa para hindi mahirapan magkagatas ang boobs. 4.MANY TO MENTION 😅😅😅

Đọc thêm
5y trước

Totoo po kaya Yan? Lagi ko kse suot damit NG asawa ko

1. Pag lumindol daw lagyan ng patak ng suka ang tubig na pang ligo o kaya haplusin daw ng suka ang tyan. (Idk kung para saan un lang sabi sa akin.hehe) 2. Huwag daw tatambay sa pintuan o hagdan pag buntis para daw hindi mahirapan manganak.

5y trước

hindi ko alam mommy, try mo nalang iwasan . wala naman masama at para safe na din kayo ni baby .

Thành viên VIP

Kapag umiitim ang batok leeg at singit-singit, lalaki raw. Jusko! 😂 Yung friend ko ngang blooming, mukha pang di buntis lalaki naman baby sa tyan nya. Hahaha

Thành viên VIP

bawal mgparepair ng bahay. bawal mklamay. hakbangan ang asawa para sa asawa mpunta ang pglilihi or morning sickness. nakakaantok makikain ng pagkain ng buntis.

4y trước

ano daw po mangyayare kapag ng parepair ng bahay?

Bawal daw mag tahi 😭 sabi ng Mother-in-law ko lagi ako ginagalitan..sige pa naman ako katahi.. hahaha kaya ayun patago akong nagtatahi haha

4y trước

Bakit daw po?