6 Các câu trả lời

Mataas din pain tolerance ko. Huling check up ko kay OB 2-3cm dilated na ako, no pain, nakapag-SM pa nga ako 😆 then same day nagstart contractions ko ng 11pm, pero tolerable pa. Nagpadala ako sa ER 2am na, 5-6cm na ako nun kaya diretso admit na din. And pa-grabe ng pa-grabe ung contractions 🤯 parang gusto mo manabunot ganun. Kung ire-rate ung pain ng labor, 100/10 talaga nakakatrauma yoko na magbuntis 😆

Ung contractions, sabay ung sakit ng puson mo and ung feeling na natatae ka. Nafigure out ko lang na contractions na pala yun kasi sunud sunod na and ndi na ako mapakali.

opo ok lang. sa first baby ko no sign of labor ako, 4 cm dilated tapos pumutok panubigan ko. sa 2nd baby ko, nasakit lang balakang ko na parang normal lang gaya nung nararamdaman ko sa 3rd trimester ko, 6 cm dilated na ako nd ko alam. 😊

CS po ako kasi suhi lahat ng baby ko

ganyan ako Mii no sign ng labor 3CM pero paunti unti natulo panubigan pinapunta na ko sa clinic ng Midwife saka ko tnurukan ng pampahilab ☺️

khit gaano pa po ktaas pain tolerance nyo pagdting ng 7 to 10 cm lahat ng santo tatawagin nyo kapag andun na kayo sa true labor kung tawagin...wla pa po tlga kayo mararamdaman nian if close prin yung pinaka cervix sa loob...

same sis, aq nga sis eh, last week close pa, pero ng nakaraan araw 1cm na pala daw aq so wala aq masyado naramdaman na pain...

may mga ganyang cases na di nakakaramdam ng kahit ano while dilating..

mamaya nga papaie aq kay Doc huhu sana tumaas na cm q

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan