May kasunduan sa dswd

May kasunduan po kame ng tatay ng anak ko sa dswd na every monday nya mahihiram ang bata. Sinabi ko din po sa kasunduan na hindi kame manghihingi ng sustento, at ibuhos nalang nya lahat tuwing mag kikita sila. Pero kahit mag punta sakanya ang anak ko umuuwing walang dala o walang kahit na ano, minsan may sakit pa, minsan lang mag bigay ng gatas, di din makapag kusa ng bigay ng diaper o kahit na ano. Tanong ko lang po.. pwede ko kayang pag bawalan na yung anak ko na pumunta sa tatay nya?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

may kasunduan na po kayo eh, baka kayo po ang magkaproblema sa dswd. sana sinabi niyo na gusto nyo may sustento pala para yung ineexpect nyo matanggap ng bata is meron talaga. baka kaya nyo po ulit pag usapan. mahirap buhay ngayon kailangan pagtulungan ng magulang ang pangangailangan ng bata kung kaya.

Đọc thêm