Long post but I need your opinions, co-parents.

Kasi po, I have a 6-mos baby. Nag-kababy kami agad ng boyfriend ko na 14-year ang age gap namin. Everything is fine naman. Nakatira kami sa bahay niya na dating bahay nila ng parents niya. Kumbaga, nakabili siya ng bahay for them-- tapos kami ang tumira sa ancestral house nila. Meaning, bahay nila to pagkabata pa. Lahat ng kamag-anakan, kaibigan nila, dito sa bahay ang tambayan. Sa ngayon, andito ang Mom niya sa bahay nmin dahil dito din nkatira yung 2 boy na pamangkin niya kasi malapit yung school nila dito sa house namin. Ginagawa pa kasi yung lilipatan nila. Yung mga nagiging problema ko: 1. Napakakalat sa bahay. Since nagSAHM ako, sobrang nadidistract ako sa kalat nung 2 boys lalo na sa ingay nila (dati din silang nakatira dito nung maliit pa sila). Di ako makareklamo kasi andito mother ni jowa. 2. Since ancestral house nila, lahat ng kamag-anak at kaibigan na nagpupunta dito-- akala mo bahay nila. Ultimo minsan sa kwarto namin dire-diretso pumasok, walang katok-katok. As in wala kaming privacy. 3. May mga friends since HS si jowa na madalas andito sa bahay para lang maki-wifi, o kaya makikain, tapos kung maka-explore ng bahay ako na yung nhihiya kasi mas kabisado nila yung bahay kesa sakin. 4. May mga kamag anak sina jowa ko na may sobrang lilikot na anak. One time-- niransack yug play area ng anak ko na sinet up ko pero di pa nalalaruan ng anak ko. Walang paalam. Nagpaalam pero andun na sa loob. Wala akong reklamo sa MIL ko, kasi sobrang bait niya at since temporarily living siya dito-- sagot niya food at water bills namin saka kapalitan ko ng alaga kay baby. Pero dun sa ibang bagay, sumasakit ulo ko. Alam ko naman yung gagawin. Dapat sabihin ko sa jowa ko. Pero paano. Nahihiya kasi ako dhil sila naman yung mga mas matagal nakatira dito sa bahay namin.

2 Các câu trả lời

VIP Member

Ok lang cguro kahit may konting ibabago kayo sa bahay like paglagay ng ibang lock na kayo lang may susi. Tas may right ka rin nman siguro na sitahin mga bata kasi may baby naman at pag usapan mo ng jowa mo yan like yungmga friends nya bka pwede mo isuggest na baka pwede limitan lang. Ganon. nakakainit nga nmn ng ulo binabasa ko plang post mo eh. hahaha .Basta pag usapan nyo muna tas pag nag karon kana aproval sa kanya pwede mo na sila sitahin lalo na yung friends nya tsaka yung playroom ng baby mo. Talk to your Mil also baka mavigyan ka nya payo or sya na mismo manita . Ewan ko lang kung d ka magka post partum sa sitwasyoon mo mami.

hahahhaha potek di kasi makita kelan pinost e. natawa ako sa unang comment e

VIP Member

Usap kayo magazawa

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan