460 Các câu trả lời
Sakin once nya plang ako nasamahan sa ob .. yung isa nman kasi sa ibang lakad yun nung ngpa hiv test ako .. busy din sya talaga Tas this coming sunday prenatal ko ulit sabi nya sama daw sya haha
First check up kulang po sya nakasama nung January. Pero yung kasunod byanan kona wla na kc sya dto sa pinas nasa abroad na ulit sya hanggang manganak ako wla sya mahirap man pero pipilitin para sa baby😊
Yes po since nalaman ng asawa ko na buntis ako palagi siya sumasama sa mga pre natal check up's ko ..☺️ sa hospital ..center ..at lying in . ☺️ naabsent siya sa work niya para masamahan ako ..☺️
sinamahan lang ako ni hubby 1st time nung unang check up 2months preggy pa ako nom ,next wala na.. naiintindihan ko kasi nasa training po sya MAY pa makakalabas ng training 8months na tiyan ko 😊🤰
first prenatal ko lg sumama si hubby ko at sa labas lg sya naghihintay dahil kasi pandemic social. distancing . di na naulit pa ang pagsama sa akin kasi dahil sa work need namin maka ipon para kay baby.
Ako momshie . Mag si 6months na tummy ko Never pako nasamahan ng husband ko twing check up ko .. pero okey lang😊 kasi naiintindihan ko naman yun lalo na busy sya sa work😊
nung sa lying in ako nag papacheck up twice lang sumama c hubby may work ih ... pero ngayon sa hospital na ako nagpapa check up lagi na sya kasama at matiyaga nag aantay sa labas maghapon 😂😂😂
kasama po parati bilang driver 🤣 lucky lang po kasi may carer's leave sila sa company and yun ginagamit nya kapag mag papacheckup kami or magpapa ultrasound. CL nila is extra pa sa VL and SL. 💜
patient lang ang pwede pumasok at magwait sa loob ng clinic ni OB so useless kung isasama ko si hubby 😥. so ako nalang kaya ko naman and di naman ibig sabihin nun di ka na supportado or anything.
Ako nga hindi pa kasi may work sya pero okay lang para rin naman sa baby namin ginagawa nya. Pero kapag magpapaLaboratory and ultra sumasama sya pag prenatal check up lang hindi.