Sa PhilHealth momsh pinakamadali magpachange status, may form sila na binibigay tas iattach lang ang marriage certificate at brgy. clearance with my married name ginamit ko na requirements nabigyan agad ako new ID with my married name and new signature, tapos kumuha din po ako Postal ID para may 2nd ID ako maliban sa PhilHealth ko pang-update naman sa Passport, SSS at Pag-ibig. Yang last 3 kasi ang mahigpit sa requirements hehe same din sa bank accounts, need 2 valid ID’s bearing married name plus marriage certificate. Sana makatulong ✨
Hello. 3 years na kami kasal hindi ko ginamit surname ng husband ko kasi hindi naman mandatory sa PH esp sa religious beliefs din namin. As long as may PSA marriage certificate okay na. Anyway, yung process nun para ka lang kumuha ng ID ulit, fill up ng form tapos change status mo lang at change surname mo lang pati na rin pirma kung gusto mo. Tapos dala ka PSA Marriage Cert as proof. Yun lang. Pero once ma change mo mga IDs mo into his surname hindi mo na mababalik ulit sa surname mo. Forever na surname ng husband mo gamit mo.
Apply ka lang po mommy ng "Change Status due to marriage" sa lahat ng mga mandated documents, like Pag ibig, SSS, Philhealth, TIN, Voter's ID etc. Just secure copies ng Marriage Cert mo or PSA much better ☺️ Sa case ko naman, hindi nako nagpalit ng Signature since ang Initials ko sa pirma ko nung single ako same din sa naging initials ko nung kinasal na ko, Kaya name ko lang inasikaso ko 😊
punta po kayo s cityhall kung san po nakarehistro ang anak mo po,,then sila magsasabi kung ano mga need n requirement,,pero pakukuhain k ng cenomar katunayan n ndi kayo kasal s iba ,,isa yan s requirement ng pagpalit ng apelyido ng bata
Sa SSS pwede mo na po palitan sign in ka lang po sa SSS portal thru email lang nila incoconfirm if succesful ang Change Name mo
punta lang kau sa mga office nila at magpa change status/surname. need ng marriage contract. alamin nio rin iba pang required docs.
Salamat mi🙏🏻
punta ka sa mga offices kung san ka may id t ioasa mo marriage cert at fill out ka ng specific form for change status.
Anonymous