Unappreciative Husband

Hello kapwa Mommies,pa vent out naman 😢 Medyo long post. Sino dito same case ko na hindi maalam maka appreciate ang asawa? Nakakalungkot lang. Yesterday kasi nag luto ako ng carbonara for my bunsos 4th month celeb, dami nag sabi masarap daw and for me kahit first try ko alam ko naman na masarap talata, then husband ko tinikman nya pag dating galing work, ang problema ang natira sa kanya nag kulang sa sauce. Then sabi nya "ano ba to pasta lang? Hahahahaha ikaw nag luto? Ano bayan?" then tawa sya ng tawa. Hindi na sya kumain tapos sabi ko "Hindi na kita pag lulutuan kung ganyang wala ka manlang encouragement sakin". Never nya sinabi na "Mommy ang sarap ng luto mo" "Mommy thankyou sa pag aalaga sa mga bata" Mommy ang ganda mo" "Mommy bagay sayo haircut mo". As in never nyako naappreciate at napuri. Kahit noon pa na payat pako nung wala pa kaming anak, dinya ako binibigyan ng papuri. 😢😢😢 Mommies tama lang ba na masaktan ako? Alam ko ngayon hindi nako sexy at maganda gawa nh pregnancy kaya gets ko kung di ako masabihan ng sexy at maganda. Pero kahit sa little things na ginagawa ko like cooking, wala manlang kahit kaunting appreciation, nilalait pa nya. 😢 Thanks mommies for reading. 😢

26 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung ako sa lugar mo mommy, ipapahilamos ko sa kanya ang kung ano mang sauce at pasta ang natira. Bastos eh. 😡 Kidding aside, there's only a thin line between not being expressive, and being downright rude and unappreciative. And I think rude and unappreciative ang ginawang paghamak at pagtawa ng asawa mo in this instance. Ganyan na ba siya noon pa, mommy? Or recently lang nagbago ang pag uugali niya? Hindi ko alam kung gaano kayo ka-open in your communication with each other, pero 'yang ganyang feelings of resentment mo towards him, dapat nilalabas mo 'yan kundi maiipon 'yan hanggang sumabog ka. There are healthy ways of communicating, mommy. Kahit ng negative or hurt feelings. I hope you find the courage to speak up to your husband na it would make you very happy to be appreciated as a partner. Not saying it's your fault, or may kulang sa communication skills mo, pero baka hindi aware ang asawa mo na masarap pala sa feeling ang ma-appreciate ng partner 🙄 (sorry nag-big eyeroll ako dyan kasi para sa akin common sense ang appreciation, but yeah, let us give your husband the benefit of the doubt na baka hindi niya alam 😓). Alam mo 'yung languages of love, mommy? If not, please look it up. Baka rin kasi naa-appreciate ka naman ng asawa mo sa loob loob niya pero hindi niya lang sinasabi kasi nga hindi niya language of love ang words of affirmation.

Đọc thêm
4y trước

Suggestion ko mommy, find a good time ('yung hindi kayo pagod, gutom, stressed or bagong gising) to talk heart to heart. Hindi ako naniniwala na hindi ka mahal ng asawa mo enough para at least pakinggan ka niya. Mahinahon mong i-explain sa kanya ang feelings mo without accusing. Use "I" statements instead of "you" statements -- kumbaga, instead na sabihin mong "kung hamakin mo 'yung niluto ko, wagas, nakakainsulto ka", say: "nasaktan ako sa comment mo sa niluto ko 'nung isang araw" and then build up your case from there. Isa-isahin mo 'yung mga instances na nasaktan ka sa comments niya (or lack of comments niya) sa mga ginagawa mo. Make him understand that a little appreciation will make you very happy -- siguro naman he at least cares about your happiness?! And if he doesn't, anong silbi niyang partner sa buhay?!

Meron ata talagang ganun mommy, yung mga hindi showy. Ganyan din partner ko, kahit magbf gf pa lang kami and ngayon may baby na. Though proud sya sa mga accommplishment ko minsan pero hindi showy sa mga compliment. Kanya kanya din siguro paghahandle kung okay sa atin or hindi, as ling as sainyo lang umiikot mundo nya at walang babae.. Though minsan hinahanap hanap ko din pero ako kasi focus na lang sa baby ko at sakin, pra hindi ako mastress.. You can do the same sa kanya. Partner ko naman hindi lang talaga showy at vocal minsan , pero pinapakita naman sa gawa paminsan minsan . Iba iba tlaga tayo mag express ng love , yun po siguro..

Đọc thêm

Favorite ko ang carbonara sis baka meron ka pa diyan, padala mo na lang sa akin 😁 kidding aside, i think kailangan mo na sabihin sa kanya yung nararamdaman mo. Baka kasi di siya aware na di ka nya maappreciate, baka akala nya ok lang sayo. Speak up sis, communication is the key. Sabihin mo na minsan kailangan mo din marinig sa kanya na you are doing a great job not just a a mom but most especially as wife.

Đọc thêm
4y trước

Sana nga mag work mommy pag kinausap ko sya later pag uwi nya 😢

minsan kasi may mga tao na hndi showy or hnde nag sasabi po. baka naman po hnde nya kau napupuri in words pero sa kilos naman po sya bumabawe? hehe ako kasi pag di ako pinupuri ng asawa ko po ako mismo mag tatanong dati 😅 ngaun di nako nagtatanong ng opinyon nya haha sya na nag sasabi sakn minsan nga lang OA na ung papuri nya parang sarcastic hehe . pero pareho kasi kami attitude so ok lang. 😅

Đọc thêm
4y trước

Mommy sa kilos didin nabawi hehe ni hindi ngako hinahug ng wala lang haha pag nag do lang kme tsaka ako hinahalikan 😢

mukhang words of affirmation ang love language mo mommy at hindi mo nakukuha yun mula sa husband mo. dapat idiscuss nyo together mga love languages nyo both para alam nyo kung paano mapapafeel sa isa't isa yung love. pwede kasing hindi lang expressive by words si hubby mo pero kung kind and appreciative words naman ang gusto mo, hindi talaga uubra. your hubby needs to adjust.

Đọc thêm

Ikaw nalang mag handle mommy. Ako yung bf ko dati ganyan din, parang mas pinupuri pa yung iba. Ngayon yung Partner ko sobrang naaappreciate ako. Kahit buntis ako sinasabihan pa rin ako ng maganda, sexy. Pero minsan nang aasar sya, sinasabi niya “ang itim mo neh?” “Anu yan? Balat ba yan” sabay tatawa. Pero ako deadma lang kasi alam ko sa sarili ko na maganda ako ;)

Đọc thêm
Thành viên VIP

Communication is the key mamsh. Sabihin mo sa kanya na ganyan yung nararamdamn mo. Malay mo namn may reasons sya bakit ganon. Iba iba namn po kasi mag express ng love ang tao. Kaya mas mabuti na magopen ka sa kanya para marinig mo explanation nya. Mahirap po kasi na tinatago at iniipon ang sama ng loob, mas maganda yung sinasabi para di rin magkaron ng maling kaisipan. :)

Đọc thêm

Kung sakin din yan masasaktan din ako, pero buti nalang asawa ko kahit di ako ganun kasarap magluto (well aminado ako) haha sinabihan nya pa din ako na Ang sarap sarap Ng luto at the best daw hahah kahit di totoong masarap 🤣 tsaka pag may kasalanan ako sya pa din nagsorry. para sakin kausapin mo yan asawa mo sabihin mo sakanya para Alam nya Yung nararamdaman mo :)

Đọc thêm

ganyan dn po asawa ko ndi sya showy pero kinakausap ko po agad para maalam sya kung ano yung nafifeel ko para aware sya at di na lumaki pa ang tampuhan.. need mo po yan ilabas at magkaroon kayo ng pag kakaintindihan.. saka mukhang pabiro lng nman po ung pag okray nya sa luto mong carbonara nakulangan lng po tlaga siguro sa sauce yun.. lutuan mo nlng po ult next time

Đọc thêm

baka di lang talaga vocal si husband,pwede mo sya kausapin na ganiyan ang nafefeel mo para aware sya and maexplain niya din yung side niya,though nakakalungkot naman talaga pag ganiyan,yung feeling unappreciated tapos nageexpect pa tayo,,iopen up mo din sknea para malaman mo un side nea amd magkaron ka rin ng peace of mind

Đọc thêm