106 Các câu trả lời

VIP Member

I'm 20 years old and I'll be having my baby soon, so far... Instead of looking at it sa ganung perspective. I guess from the start po, I've always viewed my lil one as a miracle sa life ko. She gave me something to live for, to strive for, something to hope for. Instead of seeing na nasira yung buhay mo, why don't you look at it na God gave you a child kasi He knows na yun yung need mo ngayon, na instead of ruining you. Yun pa pala ang maging reason that you'd achieve so much in your life. Sure, it'll take time and need mag double ng effort but everything will be worth it. You'll see☺️💪🏼

I got pregnant at the age of 17, di nkpg college di nkatulong s magulang.. Now Im 31 with 3kids. nadepressed , nag attempt ng suicide yet Im here. kahit ilang milyong panget na salita pa ang mrinig mo o kht anong panget ng pkrmdam mo sa sarili mo, once nagkaanak ka matatakot ka mging mahina. mas eager k patunayan na ndi ka isang disappointmnt lng. mas eager k patunayan na u can do anything ksi may reason ka pra mas lalong mging mabuti.at yun ang ang baby mo. mas msrap ipagpatuloi ang journey ng buhay kpg ksma mo na ang anak mo. kya isama mo sya s pngarap mo. sbay kyo tutupad nian.

sis 21years old lang din ako ngayon and im 36weeks pregnant. Sobrang depress din ako nung una until now may side pa din sa isip ko na nanghihinayang ako before ako nabuntis may trabaho ako at sinabayan ko ng pag aaral working student pa ko nun sis pero since nabuntis ako huminto ako sa pag aaral at nagfocus na lang sa pagtatrabaho, yung hubby ko nag aaral palang din kaya wala akong ibang aasahan kundi sarili ko lang kasi nga ako yung may trabaho Laban lang sis hindi sa pagkakaroon ng maagang responsibilidad natatapos ang buhay blessings yan sis laban lang tayo :)

kami nga nasa tamang edad pero hirap parin e wala yan sa edad nasa sipag yan di porket may anak na wala ng patutunguhan buhay although since yun nga paano nga naman makakakilos kung may aalagaan na pero maging positive lang ako nga now halos mabaliw na sa gastusin hinuhusgahan pa ngpamilya nya or akin kakaumay din 1st pregnancy ko hirap kami ng ganito grabe walang wala kami tlaagang mag susumikap ako ayoko nag mumukha kaming kawawa dapat positive lang mag isip kaya natin yan di katapusan ng career natin pag nag kaanak may patutunguhan buhay natin 👍👍👍

In the first place never naging mali ang pagkakaron ng baby, ang pagkakaron mo ng baby ay result ng mga desisyon mo sa buhay.. 2nd, pumasok ka sa relasyon na may namamagitan na sainyong dalawa at dapat alam mo yung kahinatnan. 3rd, wag mong isipin na pag may baby na wala ng patutunguhan sa buhay.. dapat mas pag igihan mo pa sa buhay dahil may paghuhugutan ka na.. ang bawat pagkakamali ay dapat mong matutunan.. wag na wag mong isipin na ang bata ang dahilan kung bakit wala kang patutunguhan dahil ginawa mo siya na wala syang alam.

I got pregnant at 20. My first child is now almost 15 yrs old and I'm very much employed and living a happy life with my then boyfriend but now hubby for 16 yrs. No it wasn't easy. It never is but to say na walang patutunguhan ang buhay just because of an early pregnancy solely depends on you mommy. You have to keep moving forward and focused on whatever goals you have. The baby is supposed to be your inspiration and with the right mindset you can do great things you've never imagined. Cheers and good luck 🙏

VIP Member

20 years old lang ako. Pero nung nalaman ko buntis ako. Never ko inisip na masisira na yung mga pangarap ko at wala na kong pag asa. Mas naisip ko na, dito na nagsisimula yun. Meron pa ko motivation. Never doubt yourself sis. Blessing ang baby. Yan ang pinaka magandang blessing na pwede mong makuha. Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay yan. Pwede ka pang bumawi, after mo manganak. Mas masarap sa pakiramdam yung unti unti kang nagiging succesful kasama ang anak mo. Mas nakakaproud yun.

nasa saiyo po yan kung gagawin mong negatibo ang pagkakaroon ng anak.. ikaw lang din po may hawak ng buhay mu kaya ikaw nakakaAlam kung may patutunguhan po kayo o wala... 16y/o lang ako nung nabuntis ako sa panganay ko pero pinagpatuloy ko ang pagAaral ko at ngayon ay 28 na ko at isa ng ganap na Teacher👩‍🏫may sarili ng🏡 at 🚗... sipag at tyaga lang, samahan mo pa ng mabait at responsableng asawa at supportive na Monther in law☺️ kaya mo yansss....

That's a lie. Habang may buhay may pag-asa. Dahil nadapa ka, the more na ipakita mong kaya mong tumayo ulit. Isipin mo, walang pagsubok na iaallow ang Lord sa buhay mo ng hindi mo kaya. Mahirap sa ngayon but I believe if you keep enduring, time will come you'll be able to be an inspiration sa ibang tao that will go the same situation that you have right now. Kaya mo yan, momsh. Kayanin mo para sa sarili mo at sa magiging baby mo. Faithing! ☺️

Kung feeling mo nagkamali ka. Wala ka ng ibang dapat gawin kundi itama ang lahat. Wag mong isipin na wala ng patutunguhan ang buhay mo. Jan ka rin naman papunta e, kaso hindi sa oras na hangad mo at ng magulang mo. Kaso nanjan na yan. Kaya panindigan mo na. Blessing yan. Hindi jan matatapos ang buhay at pangarap mo. Pwede mo parin ituloy ang mga plano mo sa buhay mo. Nasa sayo nalang yun kung kelan at kung pano mo gustong umpisahan.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan