give me hope...
Kapag nabuntis po ba ng maaga wala ng patutunguhan ang buhay? Huhu bigyan nyo po ako ng pag-asa kasi pakiramdam ko nasira na lahat ng pangarap ko. Im 21 yrs old.
Wala naman yan sa edad, basta masikap at matiyaga ka. Sino ba sila para sabihin na wala ka ng pag asa sa buhay? Hawak ba nila kapalaran mo? Hindi naman diba, ikaw ang gagawa ng kapalaran mo. Pabayaan mo mga tao na yon, wala naman silang maiaambag na maganda sa buhay nio. Wag ka ma discourage sa mga sinsbi nila, gawin mong encouragement bagkus. Patunayan mo sa kanila na kaya mo, un ang panghawakan mo. Alam mo ako non kakagraduate ko palang sinasabihan ako na marami nga daw graduate pero walang trabaho di daw ako mkakapasok sa call center, kahit ilang beses ako nareject sa interview tuloy pa rin ako hanggang isang araw natanggap ako tuwang tuwa ako sabi ko sa sarili ko 'kaya ko'. Nung nalaman nila na nakapasok ako at mas malaki sahod ko sa anak nila nga nga sila. Unang trabaho ko yon, ewan ko ba bat gustong gusto ko maging call center agent non. After 2 years nag resign ako na ospital kase ang mama ko kritikal sya non, ako ang nag alaga at nag bantay sa kanya. Isang taon ako nakatengga. Nangarap ako na maging pulis, ayan nanaman sila di daw ako magiging pulis malayong malayo daw. Pinanghawakan ko yon, sinabi ko sa sarili ko walang imposible balang araw magiging pulis ako ipapakita ko sa inio. Nagtuloy tuloy lahat simula application ko hanggang training natapos ko yon, ngayon pulis na ko at pinagmamalaki ulit ako ng mama ko. Asan sila? Ung mga nagsasabi na hindi ko kaya kuno? Wala, wala silang masabi. Ikaw gagawa ng kapalaran mo, hindi ung mga tao na nasa paligid mo. Goodluck sayo at sa magiging baby mo. Kaya mo yan, naniniwala ako.
Đọc thêmHello sis! I am 20 yrs old and 31 weeks pregnant na. Wag kang mag alala. Nabuntis ka, magkakaanak ka pero hindi ibig sabihin non na wala nang patutunguhan yung buhay mo. Ako, college na, nag aaral nung mabuntis. Nag stop ako agad nung nalaman kong buntis ako. Yung mga kabatch mate ko nakagraduate na, nakapagtake na rin ng board exam at karamihan sa kanila nakapasa na pero ako nandito sa bahay, hinihintay paglabas ni baby. Minsan naiiyak ako kasi naiisip ko paano kaya kung hindi ako nabuntis agad? Siguro graduate na rin ako, siguro nakapag take na rin ako ng board exam at board passer na pero hanggang doon lang yon sis. Kasi naiisip ko rin na ano naman kung nauna sila? Ano naman kung nabuntis ako nang maaga? Kung nabuntid tayo nang maaga? Mas nauna lang tayo magkakaroon ng anak sis pero hindi ibig sabihin non na sira na yung buhay natin. Pwede pa naman natin ituloy yung mga bagay na nahinto natin dahil sa nabuntis tayo kapag napanganak na natin si baby. Ayaw mo ba non? Mas nadagdagan inspirasyon mo para magpatuloy at abutin mga pangarap mo kasi nandyan na baby mo? Sa buhay sis, hindi tayo nawawalan ng patutunguhan kung magpupursigi tayo na ipagpatuloy pa rin yung mga nasimulan natin. Kayang kaya mo yan sis! Kayang kaya natin yan. Tandaan mo, hindi na lang ikaw ang mag isa ngayon, may baby ka na. Dalawa na kayo. Gawin mo siyang inspirasyon para magpatuloy ka, para abutin lahat ng gusto mong abutin. ♥️ Wag mong isipin na walang patutunguhan yung buhay mo. :) GODBLESS!!!!.
Đọc thêm18 years old ako ngayon and 7mons pregnant. Naisip ko rin yan na wala na akong patutungihan since na buntis ako ng LIP ko pero binago ng lip ko yung mind set ko na ganyan grade 10 student ako ngayon still patuloy parin sa pag aaral kahit mahirap at bawal sa school pilit ko parin tinataguyod pag aaral ko para sa kinabukasan ko at ng magiging anak ko habang papalapit ng papalapit Deu date mas lalo akong nag pupursigi na maka tapos para kahit sobrang bata ko pa para maging ina at least may maipag mamalaki yung anak ko pag dating ng araw na mag ka muwang sya na AY GANITO YUNG NANAY KO BATA PA NUNG NA BUNTIS PERO HINDI YUN YUNG NAGING WAY NYA PARA HUMINTO SA PAG AARAL TINULOY NYO YON PARA SAKIN PARA SAMING PAMILYA NYA. Ang hirap saluhin ng mga matang mapang husga at masasakit na salita galing sa ibang taong kulang sa pang unawa ang tangi mo na lang na gagawin kundi hayaan at wag patulan. Girl mahaba pa ang lalakbayin mo mahaba pa ang panahon wag kang mawalan ng pag asa na wala ka ng patutunguhan gawin mong insperasyon ang baby mo sa bawat hamon na ibabato sayo ng panginoon. Godbless sis😀😀❤❤
Đọc thêmGanyan din mindset ko nung nalaman kong buntis ako last year though licensed professional na ko at earning naman at kayang suportahan yung sarili ko at baby ko if ever, may guilt din sakin at worry na baka hanggang dito nalang ako. Yung tipong baka maging stagnant nalang ako or baka ending maging tagapag-alaga nalang ako ni baby, worry ko yun since di ako sanay na sa bahay lang or walang sariling pera. Pero tbh, nung nailabas ko na sa mundo yung baby ko, dun ako lalong naging motivated sa buhay, mas inspired akong mag trabaho at mag aim for bigger things ksi sa isip ko, my daughter and husband deserves the best. Mas naging masaya rin yung buhay ko. Nakakapagod at overwhelming maging mommy sis, pro sobrang fulfilling talaga. Kapag nakikita ko yung asawa at anak ko, di ko maiwasang di maluha. Sila yung biggest blessing ng Diyos sakin! ❤️ KAYANG-KAYA mo yan sis. Akala mo lang mahirap pero kapag nandun kana, easy lang pala! Kasi mas nangingibabaw yung happiness 😘😘😍🥳 congraaaats sis!!!!
Đọc thêmYung ate ko 17 yrs old na buntis at ngayon malaki na pamangkin ko turning 10 na sya at Yung ate ko naman pinag aral Nila noon pag ka tapos nya manganak Naka 3 na course na paiba iba wala syang natapos nag stop din pero ngayon yung ate ko nasa abroad na nag iipon na ng pag gawa ng bahay Nila ng nagging bf nya ngayon, uwi syaa next year at dun na mag papa gawa ng dream house Nila, ako naman 20 ko palang ngayon fresh graduate ako, buntis na pala ako noon nung nag Marcha ako Para sa graduation ko, feeling ko din lahat ng pangarap ko mag lalaho pero naliwanagan din ako, tinake ko to as a blessing kase sure ako pag nag work na ko Mas pagbubutihan ko pa ng maigi dahil meron na akong baby na magiging inspirasyon at paghuhugutan ng lakas, and blessed din ako sa hubby ko dahil hindi sya na takot na panindigan ako kahit 1st year college palang nya, he decided to stop to work for us, and next year kukunin na sya ni mama ko sa abroad to work there. nakaka sad pero keribels Para Kay baby 💚
Đọc thêm20 years old ako ng pinanganak ko ang eldest ko while hubby was 18 years old. pareho kami walang trabaho at umasa lng si hubby sa extra2x na income. Pinagdaanan nami ang sobrang hirap sa buhay, lalo na nung nagka anak pa kami ng isa. pero masaya kami kasi kasama naming ang isa't isa. Until we decided we make changes for our growth para na rin sa mga anak namin. Naghanap ng trabaho si hubby at thankfully, natanggap naman. bumalik ako sa pag aaral sa city college kasi mura lng ang tuition. Unfortunately, hindi ko natapos ang kurso ko kasi nga kapos pa din. Kaya naghanap ako ng trabaho at sa awa ng Diyos, stable na ako sa trabaho ko ngayon. 17 years na kami ni hubby, & our children are growing more responsible at malapit sa Diyos. Sa ngayon, wala na akong hihilingin pa because I am blessed more than I deserve. mommy, don't ever lose hope. Kapag laging nasa puso mo ang Diyos, lahat ng imposible ay magiging posible. Miracles do happen everyday, but you have to keep believing.
Đọc thêmAko teacher sa public hindi kami kasal ng bf ko nabuntis ako at pinuna ako ng lahat nilalamon n ako ng tsismis tinakot pa ako na mawawalan ng trabaho at lisensya...but still nagmove forward p din ako khit mahirap though umiiyak ako gabi gabi sa dami ng di magandang bagay n naririnig at nalalaman ko...sinabi ko nlang sa sarili ko ang Aldub nga natapos din ang tsismis p kaya..🤣 until now hindi pa kmi nagplan magpakasal khit lalabas na c baby ang katwiran ko mag iipon muna kmi para sa bata saka na ang lahat pag meron na. Hindi natatapos ang buhay dahil lang may dumating..nag sstart un para maging gabay natin sa buhay. Nasa tama k ng edad ang mindset mo nlng ang kailangan mong iready and good decisions will follow..anjan c God palagi anytime anywhere khit sobrang hirap ngayon lang nman iyan ang problema nadating nasa saatin lang pano ihandle ang sitwasyon. Godbless you magpakattag ka isipin m lagi na blessing ang bawat araw na nandito tayo sa mundo.
Đọc thêmsis same age tayo kapapanganak ko lang actually, and i'm a degree holder n boardpasser din. Malaki yung expectation ng family ko sakin na makakapagtrabaho at makakatulong na ako sakanila, pero wala nabuntis ako agad dumating pa sa point na akala ko wala na akong pag-asa at parang useless lang yung pinaghirapan kong mag-aral dahil nabuntis ako agad at lalaking walang ama yung baby ko. Pero nung lumabas si baby, parang mas na motivate ako na lahat ng gagawin ko hindi nalang para sakin kundi para narin kay baby at sa family ko. Hindi pa huli ang lahat sis, maging positive lang tayo. Nasa saatin nalang ito kung magkukulong tayo sa sasabihin ng iba para satin, maganda nga gawin pa natin silang inspirasyon na mali yung iniisip nila satin mga maagang nabuntis, prove them wrong sissy FIGHT LANG!! 😇❤
Đọc thêmSalamat..actually fresh graduate ako ineexpect din nila na ako na yung tutulong pero ganito nangyari sakin.
I'm 22 years old and i gave birth to my first baby a few weeks ago. Having a child won't dictate what will happen to you today, tomorrow or the next day. Mangarap ka. Magsumikap ka para sa anak mo. Siguro mararamdaman mo na parang ang hirap hirap especially dahil sa gastos pero may paraan naman para sa lahat. Pagtulungan nyo ng partner mo yung mga gastusin at pagpapalaki sa bata. If hindi ka nagwowork for now, then find a job after giving birth. Hanap raket ganorn. I was ceasarean pero nagwork ako agad (home based) after a week. Currently me ang my partner pay for our rent, bills and food. Kasama ko pa mom namin sa house pero hindi namin siya pinapagastos. Wag mong ituring na burden ang pagbubuntis mo. May mararating ka kung magsisikap ka. Congratulations and good luck on your pregnancy.
Đọc thêmI'm preggy now at 22, nakagraduate na ko at the age of 20 at nagwork agad. Malas ako sa work ko dami ko na naging work di pa din tumatagal kasi laging malas sa department 😓 netong nalaman kong preggy ako dun ako nagkaron lalo ng inspiration na lalo mag pursige sa buhay at nagkaron ako ng motivation mag work kasi madami akong gustong gawin at bilhin para sa future ng Baby namin 😊 di kasi maiiwasan sa workplace na may kups atleast kahit makameet ako ng mga kups kakayanin ko na para kay Baby! Kasi mahina loob ko eh. Saka for sure tuwing uuwi ako pagod na pagod ako, may isang chikiting na laging nakangiti sakin at napapawi pagod ko sa kiss at hugs nya 😍 Di ka binawasan or nawalan ng pagasa sa mga pangarap mo. Kundi nadagdagan ka lang ng bagong pangarap at inspiration 😊
Đọc thêm
a mother and wife